Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Eat Bulaga! parang narra na ‘di matumba-tumba

HALOS sumabog na ang TV namin tuwing tanghali dahil sa sabay naming pinanonood ang It’s Showtime ng ABS-CBN at Eat Bulaga ng GMA, na Hall of Fame na sa PMPC Star Awards for TV. Ganoon din ang mga host na sina Vic Sotto, Joey de Leon, at Sen. Tito Sotto. Aba! Kumbaga sa puno, sila ang matibay. Parang narra, na kahit anong bagyo ang dumating sa manila, hindi matumba-tumba.

Malaking factor din sa show sina Ruby Rodriguez, Jimmy Santos, Anjo Yllana, Pia Guanio, Pauline Luna, Ryzza Mae, Baby Baste, Jose Manalo, Wally Bayola at iba pa. Isa sa pinakamagandang idea nila ay ang isali sa show sina Alden Richards at Maine Mendoza dahil mas lalong tumaas ang ratings ng show nang pagtambalin nila ang dalawa.

Kay gaganda din ng portion nila gaya ng Kalye Serye, Lola’s Playlist, Hakot Pa More, Music Hero at iba na mapapanood mo lang sa Eat Bulaga! All smiles si Malou Ochoa-Fagar ng TAPE Inc. headed by Tony Tuviera dahil parang trial balloon lang ang pagpo-produce noon ng nasabing show na unang ipinalabas sa IBC-13, then ABS-CBN, then GMA, na siyang nagsilbing home studio ng Eat Bulaga.

Iisipin ba naman ni Ms. Malou na magiging matagumpay ang show na rati’y sinubukan lang?

Salamat sa mga tumulong

HALOS isang buwan din akong walang column, pero heto na’t nagbabalik! Paano naman kasi makapagsusulat kung kabika-bila ang sakit mo. Sabi ng aking doctor, si Dr. Venus Siron, kailangan ko raw magpahinga dahil sa pabalik-balik na sakit dahil sa stress. Maraming salamat po, unang-una sa Panginoon, sa prayers ng mga relative, friends, kapwa writer, at mga taong nakaaalam ng aking karamdaman. Malakas na po ulit, kaya ito at back to writing na! Tagal ko ring nawala.

Salamat po sa lahat ng tumulong sa ‘kin, mga prayer at ‘yung mga tulong para sa medication. Alam ninyo kung sino kayo. Kasama kayo sa aking araw-araw na panalangin. God bless!

NO PROBLEM DAW – Letty G. Celi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Letty Celi

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …