Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga nagpapabinyag, nagpapakasal, tinutulungan ni Vice

ALIW NA ALIW kami sa daily noon time show ng ABS-CBN sa portion ng Trabahula at Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime.

Sobrang entertaining ng tanghali namin dahil kina Vice Ganda na maituturing na isa sa pinakamahusay na host sa telebisyon, kabilang na rin ang kanyang mga co-host.

Grabe pala itong si Vice! Ayaw niya kasing masulat at pag-usapan ang mga ginagawang pagtulong sa kapwa na kahit hindi humihingi sa kanya, basta’t naramdaman niya na nahihiparan at nangangailangan ay hindi siya nagdadalawang-isip na tulungan.

Hindi lang natin alam kung gaano karami ang mga taong dinadamayan niya at ‘yung mga kabataang nag-aaral na sinusuportahan niya.

Nakatutuwa lang kasi na kahit sikat na sikat na siya at kahit malayo na ang narating sa industriya, napaka-down to earth pa ring tao ni Vice. Hindi siya nakalilimot. Pati ‘ika mo binyag ng mga batang kailangang maging ganap na Kristiyano, mga couple na hindi makapagpakasal, mga namatayan, nagkasakit, sagot niya at tinutulungan niya.

Laging maluwag sa loob ni Vice, walang hinihinging kapalit. Kahit ‘yung mga taong close sa kanya at talagang nakakikilala sa kanya laging sinasabing, hindi pa rin siya nagbabago ng ugali. Marahil kaya sobrang blessed niya ngayon ay dahil sa likas na mabait at matulungin siya sa kapwa. Ikaw na talaga, Vice! Ipagpatuloy mo ‘yan. Pak ganern!

NO PROBLEM DAW – Letty G. Celi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Letty Celi

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …