Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Nuclear power plant kailangan para sa mas mabilis na pag-unlad

HALOS kalahating siglo na mula nang ipinasara ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP).

Marami ang naniniwala noon na malaking pinsala ito sa kalusugan ng tao at maaaring kumitil ng maraming bahay kapag nagkaaberya gaya nang nangyari sa Chernobyl noong Abril 26, 1986 — 90 buhay ang nagbuwis noon.

Ang Chernobyl Nuclear Power Plant ay matatagpuan sa lungsod ng Pripyat sa Ukranian SSR, Soviet Union.

At iyon ay naging bangungot sa buong mundo kaya marami ang natakot sa BNPP hanggang tuluyang isantabi ang proyektong ito na binansagang “white elephant.”

Ngayon sa administrayon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, muling binubuhay ito sa ilalim ng Department of Energy (DOE) na nga-yon ay pinamumunuan ni Secretary Alfonso Cusi, ang dating general manager ng Manila International Airport Authority (MIAA).

Si Pangasinan Representative Mark Cojuangco, ang nagpanukala ng House Bill 4631 na naglalayong buhayin ang BNPP.

Maraming sektor na rin ang umaayon na dapat na ngang buhayin ang BNPP, lalo’t elektrisidad ang isa sa pinakamalaking gastos ngayon sa loob ng isang kabahayan.

090816-bataan-nuclear-power-plant

Ayon kay Engineer Mauro Marcelo Jr., isa sa mga orihinal na inhini-yero ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) mula pa noong 1977, ang nuclear energy ang nag-iisang paraan upang bumaba ang singil ng elektrisidad sa bansa.

Sinabi rin niya, “Nuclear energy is the safest in the industry.”

Taliwas ito sa paniniwala ng ilang renewable energy advocates.

Para sa mga nuclear energy advocates, higit na magastos pero kakarampot ang kayang likhain ng mga renewable energy.

Habang libo-libong tao ang namamatay dahil sa coal energy.

Ang BNPP ay paaandarin ng uranium. Ayon kay Marcelo, ang isang “load” o 20 tonelada ng uranium ay maaaring magbigay ng elektrisidad sa buong bansa sa loob ng 18 buwan sapagkat isang gramo pa lang nito ay punong-puno na ng enerhiya.

Hindi rin kukulangin sa 4.5 bilyong tonelada ng “extractable” uranium ang makukuha sa mga karagatan sa bansa.

Mayroon pa itong alternatibong thorium na apat na beses ang lakas sa uranium.

Bukod  riyan,  nababawasan ang carbon di-oxide emissions sa nuclear energy.

Kung ikokompara sa enerhiyang ginagamit natin ngayon, mas maraming bentaha ang nuclear power.

Pansinin na lang n’yo ang mga ilaw sa kalsada, ‘di ba madilaw kasi nga kulang ang koryente ng elektrisidad.

Mataas na rin ang antas ng teknolohiya nga-yon kaya mas maraming paraan na rin kung paano matitiyak ang kaligtasan ng kapaligiran at ng mamamayan.

Kung bubuhayin natin ang BNPP, naririyan na ‘yan.

Sabi nga ni Secretary Al Cusi, kahit siya ay napanganga nang makita ang loob ng BNPP. Hindi niya akalain na ganoon ang itsura, maayos at tila hindi naluma ang BNPP.

Ang dapat na lang ipaliwanag nina Secretary Cusi ‘e kung bayad na ba ang proyektong ito?

Nasa kamay na ngayon ng mga mambabatas ang pagpapasya kung pagagaanin nila ang buhay ng mamamayan sa pamamagitan ng kaunlarang idudulot ng mas malakas na enerhiya mula sa nuclear power plant.

MARIKINA CITY ENGINEERING DEP’T
MAY ABUSADONG EMPLEYADO KAYO!

090816 MARIKINA CITY ENGINEERING DEPT

Diyan pala sa Marikina engineering office ay mayroong isang empleyado na magaling daw manghulidap!?

Isang Arthur Lloyd Cruz, ang inirereklamo sa inyong lingkod.

Ang tirada raw nitong si  Cruz ‘e magpakasipag sa pag-iinspeksiyon, by random, sa bawat barangay.

Kumbaga talagang gusto niyang manghuli.

Medyo nababagot na raw siguro at wala siyang nakikitang nakakalat na basura sa Marikina.

Kaya kapag nakakita ng kahit isang lata lang ng coke ‘e  agad mag-iisyu ng tiket o multang P2,000.

Wattafak!?

Dinaig pa ni Cruz si dating MMDA chair Bayani Fernando sa kahigpitan?!

Sa panahon ni Fernando, mayroong first and second reprimand sa mga nahuhuling nagkakalat ng basura.

Sa ikatlong pagkakataon saka titiketan at pagmumultahin.

Pero itong si Cruz, tiket at multa agad sabay doon pinapupunta sa isang Ricky de Guzman.

Hindi natin alam kung sino naman itong si Mr. Ricky de Guzman. Pero gusto nating itanong, bata-bata ba niya ‘yang si Cruz, Mr. de Guzman?

Aba, malapit ka na rin madamay sa galit ng mga Mariqueño kay Cruz dahil pirming pangalan mo ang kanyang bitbit…

Kung hindi bukol ‘e baka sunog na sunog ka na sa mga Mariqueño.

Aksiyon Mr. de Guzman!

DOJ UMAKSIYON NA SA ILLEGAL
TRAVEL NI IO PASCUA

070516 immigration

Umaksiyon na ang DOJ tungkol sa napabalitang pagbiyahe sa Thailand at Vietnam ng isang Immigration Officer (IO) ALDWIN PASAWAY ‘este’ PASCUA nang walang bitbit na approved travel authority galing sa departamento.

Paktay kang bata ka!

Isang sulat ang umano’y na-received ng Bureau of Immigration-OCOM galing sa Administrative Service ng DOJ para i-endorse kay BI Commissioner Jaime Morente ang kaso ni IO Paksiw ‘este Pascua for appropriate action.

Sinabing kasama sa endorsement ang sandamakmak na ebidensiya na nagpapakita na talagang bumiyahe palabas ng bansa ang nasabing IO kaya for sure wala siyang kawala.

Laglag to the max nga, sabi ng BI employees!

Pero maraming nagtatanong, bakit nagdu-duty pa raw si IO  Pascua kung under investigation na?

Hindi ba gaya ng iba, na kapag under investigation agad na ilalagay for 90 days preventive suspension?!

What took so long to do this?

Commissioner Bong Morente, Sir! Wala pa po kayo sa Bureau, marami nang reklamo ang natatanggap namin tungkol diyan kay IO Pascua.

I think it’s about time to teach this #*&*#% a lesson!!!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *