Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia Sanchez, sa pamilya kumukuha ng lakas at inspirasyon

SOBRANG nakaka-aliw ang interview ni Kuya Boy Abunda kay Ms. Sylvia Sanchez sa Tonight With Boy Abunda. Kapansin-pansin din dito na bukambibig lagi ni Ms. Sylvia ang kanyang pamilya.

Dito’y inamin din ni Ms. Sylvia na hindi niya talaga pinangarap na maging bida. “Actually Tito Boy, hindi ko talaga ine-expect ito. Kontento na ‘ko na kontabida or nanay ng mga bida, hanggang doon na lang ako. Kasi sabi ko, mas maganda yun eh, hindi ka pressured. Kontento na ‘ko sa MMK (Maalaala Mo Kaya), na roon ako nagiging bida bilang nanay, doon lang,” esplika niya.

Patuloy pa ng ermat nina Arjo at Ria Atayde, “Pero sabi nga Tito Boy, ang plano ng Diyos ‘pag dumating sa iyo, kapag may plano Siya sa ‘yo, kahit sino ay walang puwedeng makakaharang niyan. So eto ‘yon, after 27 years, ibinigay Niya sa akin. So ako ngayon, naka-smile and isa lang sinasabi, ‘Salamat po Panginoon.’

Bukod sa magaling na aktres, isang mabuting maybahay at nanay si Ms. Sylvia. Kaya bagay na bagay sa kanya ang papel sa seryeng pinagbibidahan na The Greatest Love.

“Kuya Boy, malaking tulong sa akin ang mga pinagdaanan ko sa buhay. Until now ay nag-aaral ako, ayaw kong mag-stop matuto. Kasi once na mag-stop akong matuto, that’s it, tapos na. Marami rin naman akong naranasan na na-discrimate ako, nalait ako. Ang ginagawa ko, ‘Sige lang, suntukin mo ako nang suntukin, hindi ako gaganti.’ Pinu-push ako ng mga taong ganoon, e. Natuto ako sa mga ganoon e, higit sa lahat ay dasal at tiwala sa sarili, kapit lang sa Diyos.”

Kanino ka pa kumakapit maliban sa Diyos? “Kumakapit ako sa mga anak ko, sa asawa ko, sa nanay ko, sa mga taong nagmamahal sa akin.”

Ayon pa sa award winning actress, importante nang sobra sa kanya ang pamilya at kaya niyang iwan ang career para sa kanyang pamilya. “Kapag sinabi sa akin ng asawa ko na, ‘After The Greatest Love, stop ka,’ gagawin ko ‘yun. Kasi ang priority ko sa buhay ko ay ang asawa ko, gusto ko ng simpleng pamilya, gusto ko nang buong pamilya. So, kapag sinabi ng asawa ko na, Stop ka na Sylvia, sa bahay ka na lang, alagaan mo na lang kami ng mga anak ko,’ gagawin ko iyon.”

Bilang isang ina naman, sinabi rin niya na alaga sa advice at guidance niya ang kanyang mga anak.

Sa fast talk segment naman, bukod sa naughty questions and answers ay mapapansin pa rin ang pagmamahl ng aktres sa kanyang pamilya.

Beauty secret?  “Pagmamahal sa asawa’t pamilya ko, pagmamahal ko sa asawa ko.”

The Greatest Love comes from… “God, my mom and asawa ko and pamilya ko.”

Gaano na kayaman ang isang Sylvia Sanchez? “Mayaman ako sobra sa pagmamahal ng asawa ko, ng mga anak ko, mother in law ko, father in law ko, ng nanay ko, ng buong pamilya ko at ng mga totoo kong kaibigan.”

Ang The Greatest Love ay nagsimula na last Monday at napapanood sa ABS CBN after Doble Kara.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …