Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Lawmakers butata kay Sec. Judy Taguiwalo (Sa DSWD’s PSP)

IBA talaga kapag naiintindihan at nasa puso ng isang government official ang kanyang trabaho.

Alam niya kung paano ito ipatutupad at alam rin niya kung paano ito ipagtatanggol.

‘Yan ang nakita natin sa Kalihim ng Department of Social Work and Development (DSWD) na si Ka Judy Taguiwalo.

Mainit ngang pinag-usapan sa budget hearing sa Senado ang pagpa-patupad ng Protective Services  Program (PSP) ng DSWD.

Ang batayang salalayan nito, ang desisyon ng Supreme Court na unconstitutional ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel ng mga mambabatas. Ganoon din ang General Appropriations Act of 2015 & 2016.

090316 Judy Taguiwalo DSWD

Sa ipinalabas na Memorandum Circular 09 ni Secretary Taguiwalo, matapang niyang idineklara na ang referral ng mga mambabatas ay hindi mahalaga sa implementasyon ng PSP.

Tanging ang DSWD ang mayroong kapangyarihan para tukuyin kung sino ang benepisaryo ng PSP sa ilalim ng itinatakda ng aprubadong GAA 2015 & 2016.

Pero as usual, siyempre, eepal as if mga bayani ng bayan ang ilang mambabatas.

Gaya ni Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves na nagsabing, ang mga mambabatas daw ang nakaaalam nang husto at makapagsasabi kung sino ang mahihirap nilang constituents na higit na nangangailangan ng panlipunang serbisyo.

Alam pala nila ‘e bakit hindi sila ang maunang tumulong sa constituents nila?!

Sinabi ni Teves, kung mayroon daw referral mula sa congressman ‘e magkakaroon ng check and balance dahil alam umano nila kung sino ang nangangailangan ng tulong.

Pero butata si Teves.

Matikas na inilinaw ni Madam Judy na hindi lang ito usapin kung sino ang nakakikilala o nakatatalos, sa halip, hiningi niya ang kooperasyon ng mga mambababatas para maipagkaloob sa mga tamang benepisaryo ang serbisyo.

Sabi nga ng Kalihim, magtulungan ang DSWD at ang mga mambabatas pero hindi nila papayagan ‘yung ‘palakasan’ system sa ngalan ng nag-refer.

Sa Memorandum Circular No. 09, nais din proteksiyonan ni Secretary Taguiwalo ang mga field officers (FOs) ganoon din ang offices, bureaus, services and units (OBSUs).

Kalakaran kasi na kapag may dalang referral ang isang constituent sa DSWD nagiging priority sila dahil  ‘yung referral ay may kasama pang tawag mula sa opisina ng mambabatas.

E paano nga naman kung walang referral?

Tengga na lang sila sa kahihintay kung kailan sila haharapin ng DSWD?

Kaya pinabilib tayo ni Secretary Taguiwalo sa ginawa niyang ‘yan.

Ang PSP ng DSWD ay para sa lahat!

Pero paalala lang po, Ka Judy, alam naman ninyo na maraming nagkalat na ‘walanghiya’ at mananabotahe.

Maging mahigpit din po sana sa pagtangan ng prinsipyo, oryentasyon at implementasyon ang mga FO at OBSU ng DSWD.

Suportado namin kayo riyan!

PASTOLAN NG CHINESE
MAINLANDER SA BI NAIA

070516 immigration

HANGGANG ngayon ay talamak ang pagpaparating o pagpapalusot sa BI-NAIA ng mga profiled na tsekwa o PROC nationals na nagmula sa ilang probinsiya ng China.

Kapag sinabing profiled, sila ‘yung mga pinagdududahan ang pagiging turista sa ating bansa dahil karamihan sa kanila ay hindi na bumabalik sa araw na itinakda ng kanilang mga visa.

Ito raw kadalasan ‘yung mga nagtatrabaho at nagnenegosyo na riyan sa Binondo, sa casino at iba pang lugar sa Pinas na ginagawang trabahador ng kanilang mga among singkit!

Alam natin na naglipana ngayon ang mga nahuhuling laboratoryo at pugad ng droga na karamihan sa mga sangkot ay mula sa mainland China.

Hate na hate pa naman ni PNP Chief DG Bato ‘yan!

Dapat daw bantayan ang ilang immigration officers partikular ang primary officers na suki sa pagpapastol ng mga tsekwa diyan sa BI-NAIA!

Kilalang-kilala umano sa mga ganitong aktibidades ang mga IO na alyas “NOTARYO,” “DIRECT D” at “REY–ES A-LAN” pati na ang isang babaeng primary officer na kadalasan ay suki ng mga pinararating na tsekwa!

Natunugan na ba ninyo ‘yan Bisor Rico ‘fede-ration’ Pedrealba!?

Tuwing makikita raw na nagsasama-sama sa immigration counters ang mga nabanggit na primary officers ay dapat talasan na ng mga nakabantay na BMSU members pati ng TCEUs ang kanilang pang-amoy dahil siguradong may nakaambang pastolan na magaganap.

Pagkatapos daw ng trabaho ay derecho agad sa “CR” ng NAIA para doon biyakan ang pitsa na kanilang ‘pinagputahan!’

Very prominent din ang karakas ng isang matandang tsekwa na siyang sumusundo sa mga ipinarating na pasahero.

Tila “all-weather” ang kalidad ng amoy lupang tsekwa dahil ilang administrasyon na ang dumaan pero tila nakapag-establish na ng kanyang network ang lolo!

Si Tabachingching ba ‘yan?!

Again, any comment on this, Rico “BMW” Pedrealba?!

ISANG MALIGAYA AT MAKABULUHANG
KAARAWAN MADAM SENATOR GRACE POE

090316 Grace Poe

NAIS namin batiin ng isang masaya at ma-kabuluhang kaarawan si Senadora Grace Poe.

Kahapon ang kanyang kaarawan at para sa kanya, isa sa pinakamasayang ginawa niya ay ipagdiwang ang kanyang kaarawan sa lalawigan ng kanyang tatay na si Fernando Poe Jr., sa Pangasinan.

Ayon kay Madam Grace, bahagi iyon ng kanyang pasasalamat para mga biyaya at pagpapala ng Maykapal sa kanya.

Kapiling niya sa pasasalamat na ito ang halos 1,000 bata sa isang pananghalian.

Bahagi iyon ng kanyang kahilingan, sana’y maapbrubahan ang kanyang isinusulong na Senate Bill 160 na magkaloob ng libre at masustansiyang pananghalian para sa mga batang-estud-yante sa paaralan.

Muli happy birthday, Senator Grace Poe!

MARAMI PA RIN ADDICT SA TOWERVILLE
SAPANG PALAY BULACAN

GPPD am po Sir Jerry. Ako po nanawagan sa kinauukulan at sa inyo po sa area ng Towerville, PH 1 Pasay St., at Sampaloc St., po na hanggang ngayon sobrang dami pa rin ang mga adik. Lalo na sa gabi po, sa oras na may magpatrolya, kanya-kanyang tago sa mga kabahayan po nila. Sana maubos na ang mga salot na iyan tutal mga peste ang mga iyan po. Ang dami po nila araw at gabi po. Minsan pa nga sa kanal pa sila nagtatagpo po, alam nila na my tao po, salamat at sanay maubos na po ang mga salot na mga adik po. God bless po.

Pahabol po: Towerville Sapang Palay, Bulacan Ph 1 a, Pasay St., at Sampaloc St., po. Napakaraming adik po, araw at gabi. Kaya ang mga tao laging takot baka kung may magbarilan madamay pa sila po. ‘Wag lang ipakita ang cp # ko. Thanx god bless Ka Jerry, sana maubos na ang mga salot sa lipunan po. +63918230 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *