Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
James Reid

James Reid, pabor sa drug-test para sa mga taga-showbiz

00 Alam mo na NonieNAGING usap-usapan sa apat na sulok ng showbiz world na maaaring sumunod namang magkaroon ng crackdown ang pamahalaan sa mga drug users sa showbiz. After na maging matindi ang kampanya ng gobyerno sa mga drug lords, pushers at addicts, may balitang may taga-showbiz na markado na rin daw.

Si Robin Padilla ay nagpahayag na huwag munang ilabas ang pangalan ng mga showbiz personalities na umano’y sangkot sa droga. Si Edu Manzano naman na dating Vice Mayor ng Makati ay nagpahayag naman na pabor siyang pangalanan ang mga celebrity na pinaniniwalaang sangkot sa usapin sa droga.

Request lang ni Edu na sana raw ay siguraduhing may matibay na ebidensya bago isiwalat ang pangalan ng mga artistang gumagamit ng droga.

Recently ay nagpahayag din ang young star na si James Reid ukol sa isyung ito. Ayon sa Kapamilya actor, pabor siya rito at handa raw siyang magpa-drug test kung kinakailangan. “I love going to music festivals. I love partying.

“Of course yeah. I think I’m in favor of that. I’ve heard that that’s happening but I guess it’s all for the better right? I guess it’s all for the better so I don’t see any problem with it. I’ve got nothing to be afraid of if I’m not doing anything wrong,” saad pa ng isa sa bida sa TV series na Till I Met You, katambal of course si Nadine Lustre.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …