UNANG plano nina Direk Maryo J. delos Reyes at Rommel Cunanan, Festival Director at Project Director respectively ng ToFarm Film Festival, na gawin itong biennial event. Wala pa raw kasi si Dr. Milagros How sa kanilang meeting na siyang nasa likod ng proyektong ito. Pero nang dumating si Dr. How, nagulat sila dahil gusto na nitong ilunsad agad-agad ang second year nito.
Bunsod nga ng success ng 1st ToFarm Film Festival, nagbabalik ang festival para muling manawagan sa mga nagnanais sumali sa ikalawang taon nito. Patuloy na pinalalakas ng ToFarm ang kanilang adhikain sa pagbubukas ng bagong oportunidad, hindi lamang sa mga nagnanais maging filmmaker kundi sa mga pinag-uusapang subject at story na ukol sa agricultural sector.
Nagsimula ang ToFarm dahil kay Dr. How, ang butihing Executive Vice President ng Universal Harvester Inc. (manufacturer, distributor at exporter ng organic at inorganic fertilizer).
“Nag-start ang ToFarm sa Search and Award for the Outstanding Farmers of the Philippines na nasa fifth year na ngayon. We have awards in different categories, young farmers, cooperatives, innovative, maraming division. In the course of our search, we met a lot of farmers. They have stories that are worth telling at magandang maging inspirasyon sa lahat that we feel worth sharing to the public. Itong ToFarm ay itinatag para bigyang pagpapahalaga at pagpupugay ang ating unsung heroes, ang mga farmers at ang kanilang mga sakrispisyo at pakikibaka sa buhay,” kuwento ni Dr. How.
Saad pa niya, “I finished Biology from the University of the Philippines, Diliman. I didn’t want to be a doctor, although in the course of uplifting the lives of Filipino farmers, I was conferred a doctorate degree in Humanities, honoris causa, by the Angeles University Foundation in 2013.
“I’m back to school. I am currently studying Agriculture, major in Soil Science at the University of the Philippines, Los Baños. I want to know more about agriculture, so I can help our farmers better.
“I have always wanted to produce movies as a way to express myself. I feel I have a lot of creative energy within me that needs an outlet. I believe in the power of communication through film.”
Last August 25, inihayag ni Dr. How ang pagbubukas ng kanilang ikalawang ToFarm Filmfest. Young, fresh and now—ito ang mga katagang naglalarawan sa bagong tema ng kanilang festival. Kung ang unang taon ay naka-focus sa kuwento ng mga magsasaka, ngayon ang kanilang theme ay Planting Seeds of Change.
Tulad noong nakaraang taon, anim na film scripts ang pipiliin ng Festival’s screening committee. Bawat isa’y bibigyan ng P1.5 M grant na magagamit nila. Ang tatanghaling Best Film ay mag-uuwi ng P500,000, 2nd Best Film ay P400,00, ang 3rd Best Film ay P300,000, at ang Special Jury Award ay mag-uuwi ng P100,000. Bukod sa cash prizes, mayroon din silang ToFarm Film Fest Trophy.
Kaya kung may maganda kayong mga kuwento, isumite na ito ngayon, hanggang November 18, 2016 lamang ang submission.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio