Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, ‘di napigilan sa pag-alis sa Dos at paglipat ng ibang manager

“KRIS AQUINO is Kris Aquino.” Sabi ng isang movie writer. Tama iyan. Kahit na sabihin mong wala na siyang koneksiyon sa “powers that be” ngayon dahil wala na ang nanay niya at hindi na presidente ang kuya niya, kahit paano may ipagmamalaki siya.

Si Kris Aquino ang naging paboritong leading lady noon ni Rene Requiestas. Siya rin ang tinawag na “queen of massacre movies”. Maraming nahaluang controversy si Kris, simula pa noong love affair niya kina Alvin Patrimonio, Phillip Salvador, at matindi iyong kay Joey Marquez. Nalusutan din niya ang controversy nilang dalawa ni James Yap. Magaling sa damage control ang dati niyang manager na si Boy Abunda, at kagaya ng sinabi nila, “Kris Aquino is Kris Aquino”. Kahit na sabihin mong nahulog pa iyan sa stage noong araw sa GMA Supershow, “Kris Aquino is Kris Aquino”.

Pero ngayon iba na ang kanyang managers. Lumipat pa siya kay Tony Tuviera. Aba, nagawa nga namang instant superstar ni Tuviera ang baguhang si Maine Mendoza, hindi ba niya puwedeng gawing mas malaking star si Kris, after “Kris Aquino is Kris Aquino”. Halos sigurado, dahil sa pagbabago, wala na rin siya sa ABS-CBN. Pero ang ipinagtataka namin, hindi siya pinigilan ng ABS-CBN at sinasabi pa ngang “they are happy with her decision”. Bakit naman?

Kung pinigilan kaya ng ABS-CBN si Kris Aquino, magpapapigil siya? After all “Kris Aquino is Kris Aquino”.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …