Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Board Members ng DDB palitan na

POLICY making body umano ang Dangerous Drug Board (DDB) kung ang pag-uusapan ang papel nila sa ahensiya ng pamahalaan.

Isa sa mga trabaho nila ang pagre-regulate at pagmo-monitor ng mga rehabilitation facilities.

Kung hindi tayo nagkakamali malaki ang budget na inilalan ng pamahalaan sa DDB.

Pero ang ipinagtataka natin, kung talagang functioning ang ahensiyang ito ng gobyerno, bakit ang daming nahuhuling adik, maraming sumusuko at halos araw-araw ay maraming napapatay?

070516 PDEA DDB money

Ibig sabihin, sa laki ng budget ng DDB, hindi sila gumagana para mabawasan ang mga adik sa ating bansa.

‘E saan pala napupunta ang sinasahod ng mga taga-DDB?

Waley!

Nganga!

PDEA Director General Isidro Lapeña Sir, panahon na siguro para palitan lahat ang board member diyan sa DDB.

Ilagay na po ninyo riyan ‘yung mga doctor na tumulong kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte noong panahaon ng eleksiyon.

‘Yan ‘yung mga doktor na gumastos pa ng sariling pera nila para tumulong sa kampanya ni Digong.

Baka ‘yang mga doktor na ‘yan ang makapagpatino sa DDB.

Balasahin o palitan lahat ng board sa DDB!

‘MADUGO’ SA MPD PRESS CORPS

082116 mer layson MPDPC blood dugo

KUDOS kay Manila Police District (MPD) Press Corps president Mer Layson at sa lahat ng nakiisa at naghandog ng kanilang dugo para sa mga kababayan nating nangangailangan.

Nitong Biyernes ay nagdaos ng bloodletting project ang MPD Press Corps katuwang Philippine Red Cross.

Marami pong nakiisa at nakalikom din halos ng 100 bag ang nasabing proyekto.

Maraming salamat po sa lahat ng tumulong at nakiisa.

Again, kudos to Mer Layson at lahat ng opisyal ng MPD Press Corps.

AROGANTENG GUWARDIYA
NG SOLIVEN SUBDIVISION

KASI noong July 31, 2016 5:00 a.m. papunta kami sa aking pagsamba sa bayan bayanan local. pagdating namin sa nasabing gate 5:00 a.m. Tinanong ko po yong guard na si GULLA kung anong oras ang bukas,ang sabi 5:30 daw ng umaga kaya nagantay kami hanggang 5:30am pero dumating ang 5:30 hindi naman sya nagbukas ng gate hanggang 5:45 na. pero yong iba pinapadaan niya kaya hindi kami nakapagsamba ng oras na yon dahil huli na kami kaya umuwi n lang kami ng aking pamilya. Sana naman bigyan ng diciplinary action ang nasabing Gwardya sir.kasi mayabang at arogante pinagantay kami hanggang 5:30 tapos di naman nya binuksan gate sa sinabi nyang oras! Yan lng po sir jerry maraming salamat.Pls do’nt post my no.

Ang masaklap pa sir jerry yong iba pinapadaan nya ng ganun oras pero kami hindi, napakaarogante at mayabang ng guard na yon na si GULLA sa SOLIVEN SUBDIVISION. pakibulabog naman po ng pamunuan ng subdivision na yon! Pls don’t post my no. Tnx.

+63918520 – – – –

HINAING SA MPD PS-9
(ATTN: MPD DD
S/SUPT. JIGZ CORONEL)

Sir, gud morning po sa inyo. ilalapit ko po sa inyo itong panibagong problema na kinakaharap ng mga manininda dito sa Malate particular sa area na sakop ng MPD PS-9 Malate at PCP Roxas Blvd. sa pangunguna ni Kernel Romeo Ondrada at ni Major Patrick de Leon.matagal na po kami nanahimik dito sa paulit ulit na pangaabuso/harrasment at panggigipit na ginagawa sa amin simula isang linggo na nakaraan.mula ng bumalik iyang Ondrada na yan dito sa Malate na ipinagtataka ng lahat BAKIT nakabalik n namn ‘yan ditto. kahit nung isang taon ay pinatalsik yan mismo ng kampo krame dahil sa under performer at katakot takot na reklamo ng mga tao dito sa ginagawa nyang clearing kuno na ikinapekto ng hanapbuhay ng mga tao dito.mukha yata marunong mambola at nabilog ata ang ulo ni General Bato Dela Rosa at NCRPO chief Gen. Oscar Albayalde at MPD Director Coronel sa mga pinagagawa nyan ditto.bukod sa pangaabuso at kayabangan pa ng mga PO1 na akala mo diyos ang turing sa mga sarili nila ultimo matatanda na nagtitinda pinaalis o kundi man hinuhuli, kinukulong at ginagawan ng kaso illegal vending pero patawarin kunwari para takutin.yung iba po naman kasama kahapon kinulong nila ng kalahating araw dun sa aquarium. kakasuhan pero pinakawalan din kabilang yung isang buntis na vendor dun sa aquarium.ang siste ng tanungin namin anong dahilan ng panghuhuli nila sa amin kahit na lahat kami ay may hawkers permit at nagbabayad ng legal sa city hall ( kinumpirma namin mismo na wala pong lehitimong reklamo sa opisina maging sa barangay-na hindi rin nila sinasagot) kapag kakausapin mo o hihingan ng paliwanag o hinihingi mo sa kanila kopya ng order paligoy ligoy at madami silang alibi o palusot.katwiran nila basta bawal sila lang dapat masunod.ang matindi pa dito may alingasngas nakikipagsabwatan ito sa mall dito sa area partikular dito sa shopwise na matagal na kami pinagiiinitan ng manager nito simula last year pa.Sir Jerry hihingin po sana namin tulong ninyo lalo na ng national goverment dahil di na kami umaasa matulungan ng lokal at ng maputol na ang labis na pangigipit kahit naghahanap buhay kami ng maayos.kung magimbestiga kayo personal sinunod na namin lahat ng rekesitos mula sa kanila (nagpatawag pa nga sila kunwari ng meeting at binibigyan ng mga kopya ng resibo)mabigyan ng pansin at matuldukan na sana itong ginagawa nila sa amin.Paging DILG, NAPOLCOM at PNP headquarters,patunayan ninyo change is coming not for the worse but for the better.Inaasahan na namin i deny nung dalawa ang hinaing namin pero kung hindi po yan totoo hindi na namin ilalapit sa inyo.karapatan din namin maghanapbuhay ang ipinaglalaban namin dito taliwas sa ginagawa nila ang kagustuhan ng Pangulong Duterte na makamahirap sya.huwag naman isangkalan yang clearing para abusuhin takutin mga tao dahil gusto lang magkapera o para tarahan kami.inaasahan po namin matulungan kami sa bagay na ito..(pakiwitheld po ang aking email para sa seguridad)

ce———[email protected]

Marijuana talamak
sa Eusebio St. Pasay

DITO po sa lugar ng Pasay ay marami pa rn mga kabataan na nagma-Marijuana sa Eusebio St. Legal na legal cla magdamo rito.

+63908399 – – – –

Anomalya sa Pasay City Jail

GUD day sa u Sir Jerry Yap. Nais ko sanang iapadala sa column na bulabugin ung mga anomalya dito s loob ng kulungan ng mga inmate na babae dto sa Pasay City jail gayondin sa kulungan ng mga lalaki na talamak ang anomalya. Tulad ng isang stick ng sigarilyo na ang isa ay nagkakahalaga p75 pesos ang isang stick.

+63939137 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *