Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Boobsie Wonderland at Tori Garcia, bongga ang career!

00 Alam mo na NonieNAKAHUNTAHAN namin nang sandali sina Boobsie Wonderland at Tori Garcia sa birthday celebration ni Katotong Roldan Castro last August 17 na idinaos sa Reception and Study Center for Children sa Bago Bantay, Quezon City.

Isa si Boobsie sa pinaka-abalang comedienne sa bansa. Bukod sa kaliwa’t kanang out of town at overseas shows ni Boobsie, regular siyang napapanod sa Sunday PINASaya sa GMA-7. Kasali rin siya sa sitcom na Conan My Beautician na napapanood every Sunday, 5 pm. sa Kapuso Network pa rin.

Sa darating na September 17, 8pm, mapapanood si Boobsie sa concert niyang Grabe Sya, O! sa Music Museum. Special guests niya rito sina Michael Pangilinan at Nikko Natividad, plus surprise guests.

“Sure ako na mag-eenjoy ang manonood dito, maraming pasabog!” nakangiting saad sa amin ng heavyweight but super-talented na komedyana.

Si Tori naman ay sunod-sunod ang mga project ngayon. Bahagi siya ng teleseryeng Juan Happy Love Story na tinampukan nina Dennis trillo, Heart Evangelista at Kim Domingo sa Kapuso Network. Pinsan siya rito ni Kim at anak naman ni Keanna Reeves.

May pelikula na rin ang magandang talent ni kaibigang Throy Catan. Kasali si Tori sa pelikulang The Crescent Moon na tinampukan ni Jasmine Curtis Smith, mula sa pamamahala ni Direk Edgardo “Boy” Vinarao at prodyus ni Baby Nebrida. Balita namin ay isasali ito sa MMFF.

“Nag-audition po ako sa movie at super happy ako nang makapasa,” nakangiting saad ni Tori.

Katatapos lang din ng back to back show nina Tori at Rainner Arjay Acosta na pinamagatang An Evening of Timeless Lovesongs sa Music Box.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …