PINAG-UUSAPAN nila noong isang gabi, hindi lang isa kundi dalawang kapatid pa ni James Reid ang magkasabay na pumasok sa showbusiness. Siguro nakitaan naman ng potentials ng producers kaya nila kinuha, isa pa, kahit na paano may assured following na iyan dahil “kapatid ni James Reid”.
Pero dito sa showbusiness, mayroong paniniwala, na para bang unwritten rule, walang magkapatid na parehong sumisikat. Basta ang isa ay sikat na, sino man ang pumasok na kasunod ay naiiwan na ang career. Kung sabihin nga nila, sa mga artista, hindi magagawa ang monopoly. Unless magkakaiba naman sila ng linya. Isang example iyong pamilya Santiago. Artista si Raymart, singer si Randy at director naman si Rowell. Bagamat lahat naman sila ay mga artista rin, hindi sila nagsabay-sabay sa iisang career.
Pero kung ang papasukan ay isang linya lamang ng career, mukha ngang malabo iyon dahil wala pang nakagagawa ng ganoon hanggang ngayon.
HATAWAN – Ed de Leon