Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kitkat, balik-Kapamilya at hahataw din sa Dirty Old Musical

00 Alam mo na NonieHATAW na naman sa work mode ang magaling na performer na si Kitkat. Ginagawa niya ngayon ang una niyang musical play at may bagong soap opera rin siya sa ABS CBN.

Pinamagatang Dirty Old Musical, ito ay ukol sa isang all male group band noong 80’s na nagkaroon ng one time big time hit at nagkawatak-watak. Ngayong sila ay nasa liyebo singkuwenta na, magkakaroon sila ng one time concert para sa isang kasamang may karamdaman.

Ayon kay Kitkat, nai-starstruck siya sa mga kasama sa musical play na ito. “I’m doing my first ever musical play sa September 1, 2, 3 at 8, 9, 10 sa Music Museum po. Gusto ko kasing ma-establish ang pagkanta ko and ibang mundo naman kasi ang theater. Of course, tampok dito ang mga batikang aktor sa theater like sina John Arcilla, Nonie Buencamino, Ricky Davao, Robert Seña, Michael Williams, Ima Castro, at ako. Kaya sobrang kakatuwa po,” saad ng komedyana.

Dagdag pa niya, “Nai-starstruck po ako sa mga kasama ko, plus producer po nito ay ang Spotlight Artist Centre na sina Tita Isay Alvarez at Tito Robert Seña. Sinukan ko ang musical play, para ma-establish na lahat ay kaya kong gawin.

“Sobrang nanganganga po ako everytime na may rehearsals kami, as in grabe ang gagaling nila. Tapos lahat-acting, kanta at sayaw, lahat ginagawa po namin dito sa musical play. Tapos talagang parang school, tuwing papasok ay excited ako.

Nakaka-flatter din po na ‘pag kakanta ako, sasabihin nila sa akin na ang galing ko rin at ang cute ko,” nakatawang saad pa niya.

Ano ang show niya ngayon sa Dos? “Ang new teleserye ko po ‘yung Langit Lupa starring Yam Concepcion, Jason Abalos, Patrick Garcia. Bale dito, third wheel po ako ng ToMiho.”

So, balik ABS CBN ka na? “Opo, kung saan naman may offer doon ako, kahit saan, kahit sa Arirang Channel pa iyan,” nakatawang biro pa niya. “Kahit naman po noong nag-GMAako sa APT-TAPE, Star Magic talent pa rin po ako.”

Ayon pa kay Kitkat, kaya niyang pagsabayin ang musical play at ang bago niyang TV series sa ABS CBN. “Opo kasi sa totoong buhay, ‘pag nagso-show po ako, i- sing and dance and nagpapatawa po. MWF, tapings sa teleserye, then TTH Sundays, yung rehearsals ko po sa DOM naman.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …