Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
jed madela

Gender issue kay Jed, binubulatlat na naman

AYAW talaga tantanan ng gay issue itong alaga kong si Jed Madela.

Lately ay naging isyu na naman ang mga titulo ng kanyang gagawing concert. This coming August 19 kasi ay magaganap sa Music Museum ang Jed Madela Sings Celine-Iconic Concert Series niya na produce ng Dreamstar Events.

But before this ay nagkaroon muna siya ng Jed Madela Sings Mariah for two months sa parehong venue. Hanggang sa lumabas naman ang Life Songs with Charo Santos na isang commemorative album under Star Music na may duet sila ni Daren Espanto para sa kantang I’ll Be There.

Well, parehong kilala ang dalawa na mga biritero kaya naman umusbng  ang isyu sa kanila lalo’t si Darren ay sinasabing younger version ni Jed.

Natatandaan ko lang, two years ago nang putaktihin din ng ganitong isyu ang aking alaga. The usual thing ayon pa kay Jed na natawa na lamang sa aming kuwento.

Actually hindi ko nakitang apektado or worried ang aking alaga sa  isyu na pabalik-balik kung ibato sa kanya. Ang dami kong naririnig na kung ano-anong kuwento at espekulasyon about Jed’s real identity pero sa totoo lang, hindi rin ako worried.

Ganyan naman talaga sa industriyang ito. Kung sino ang sikat ay binabato ng kung ano-anong intriga at sanay na sanay na kami. Siguro, mis-interpreted lang talaga ang dalawa (Jed and Darren) especially Jed dahil nga sa genre ng kanilang style sa pagkanta. Kinakanta at matataas na boses na walang makapapantay.

Hay naku! Tigilan na ang tsimisang ganyan. Ang mahalaga ay nagbigay karangalan si Jed sa ating bansa at isa siya sa mga tinitingalang mang-aawit sa industriya.

Sabi nga ni Jed sa akin, what you see is what you get at nirerespeto niya  ang opinyon ng bawat isa.

O ayan huh! Sana matahimik na kayo. Hahahaha! Sabihin niyo na naman na nagtataray si Jed! Kaloka!

REALITY BITES – Dominic Rea

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …