Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yassi, ikinokompara kay Phoebe Kates

MAS bagay nga ba kay Yassi Pressman ang maging sexy kaysa magpa-sweetie? Iyan ang pinag-iisipan niyang mabuti ngayon at pinag-iisipan din ng mga manager niya matapos na makatanggap sila ng maraming positive feedback dahil sa kanyang naging sexy pictorial para sa pelikula niyang Camp Sawi. Marami kasi silang mga eksena na kinunan sa isang beach sa pelikula at natural lang naman na isang sexy swimsuit ang kanyang suot.

Mukhang nagustuhan naman iyon ng marami sa kanyang fans. Napansin din siya at ngayon ay gusto nang mailagay sa mga cover ng mga mens’ magazines.

Kung sa bagay, sa hitsura ngayon ni Yassi, kung medyo magpapa-sexy na nga siya ay baka mas kagatin pa siya ng masa kaysa roon sa nakikipag-love team siya. May isa ngang kritiko na nagsabing ang dating daw ni Yassi kung nagpapa-sexy ay parang ang aktres na si Phoebe Kates noong araw. Matagal na nga namang walang ganoong image.

Iyon namang love team nila ni Andre Paras ay mukhang hindi masyadong maka-take off, dahil sa pelikula sila ang magkasama samantalang sa telebisyon ang napapanood araw-araw ay iyong pakikipag-love team ni Andre kay Barbie Forteza. Natural man napapansin iyong mas madalas mapanood.

Isa pa, magkaiba na sila ng network ngayon. Si Andre ay nasa GMA samantalang si Yassi, kahit na sinasabi niyang wala pa naman siyang kontrata sa telebisyon ay mas maraming ginagawang projects para sa ABS-CBN.

Kung ganoon nga rin lang, mas mabuti pa siguro na wala na siyang love team, at iyan ngang pagkakapansin sa pagpapa-sexy niya ay magandang pagkakataon para masimulan na niya iyon.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …