AMINADO si Sue Prado na bumilib siya kina Ai Ai delas Alas at Allen Dizon sa pelikulang Area ng BG Productions International. Sa pelikulang ito ni Direk Louie Ignacio, ginagampanan niya ang papel ni Julie, isang laos na pokpok.
“Nakakatuwa siya bilang actor dahil very collaborative siya, e. And undeniably, mahusay talagang actor si Allen at madali siyang katrabaho,” pahayag niya ukol kay Allen.
Hingil naman kay Ai Ai, ano ang masasabi niya sa aktres?
“Nagulat ako sa kanya in a very good way. Ang bait niya at saka ang husay talaga niya sa mga tao. Ang lakas talaga ng presence niya sa mga eksena na nakasama ko siya. Iyong totoong na-attach ako sa kanya na maniniwala ka sa kanya bilang yung character na ginagampanan niya. Kasi ang lakas-lakas talaga ng presence niya.
“Kung ano ang nararamdaman ko bilang yung character ko, natulungan niya akong lumabas iyon. Kaya I can also say na ang generous niya. Ang nakita kong Ai Ai dito ay yung Ai Ai na aktres at saka ang naramdaman ko sa kanya, she’s a real person. Nakakatuwa talaga, ang bait niya, e.”
Ayon pa kay Sue, isa ito sa pinaka-daring niyang pelikula. “You know what, lahat kami ay may mga daring scene, hindi ko kasi masabi to what extent dahil baka ma-preempt. Basta ang masasabi ko na lang, may exposure kami rito, lahat kami ni-require sa istorya na mag-deliver ng ganoon, iyong maging daring.
“Pero hindi lang ako ang kagulat-gulat dito, lahat kami e,” nakangiting saad niya.
Ano ang masasabi mo na identify ka as indie actress at ano ang fulfillment sa mga ginagawa mong indie projects?
Sagot niya, “It’s just a matter of labels. Regardless of the categories people come up with, I am an actor. Hindi dapat nare-reduce ang effort o value ng tao at/o paggawa dahil sa ipinapataw na label ng kung sinuman.
“Making films gives me a sense of purpose- isa itong venue o pagkakataon para magampanan ko ang aking cultural and social responsibility bilang Filipino at indibidwal.”
Bukod sa Area, kasali si Sue sa Pamilya Ordinaryo at Dagsin na kapwa entry sa Cinemalaya 2106. Bahagi rin siya sa Malinak Ya Labi (Silent Night) na kalahok naman sa Cinema One Originals 2016.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio