Monday , May 5 2025

72-anyos tiyuhin nanghataw ng martilyo (‘Di pinayagan gumamit ng CR)

KRITIKAL ang  kalagayan ng isang 42-anyos lalaki makaraan hatawin ng martilyo ng kanyang tiyuhin kamakalawa ng hapon sa Navotas City.

Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Jesus Reyes, walang trabaho at residente ng Block 36, Lot 32, Phase 1A, Asohos St., Brgy North Bay Boulevard South (NBBS).

Habang nadakip ng mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 3 sa follow-up operation kamakalawa ng gabi ang suspek na si Tranquilino Parrocho, 72, residente rin sa naturang lugar, inamin ang paghataw martilyo sa kanyang pamangkin dakong 2:30 pm.

Ayon sa suspek, nagawa niyang hatawin ng martilyo ang pamangkin dahil hindi siya pinayagan ng kanyang kapatid na ina ng biktima na gumamit ng palikuran.

Napag-alaman, pinalayas ng ginang ang suspek makaraan ireklamo nila ng pagnanakaw ng kanilang gamit noong Abril 2.

( ROMMEL SALES )

About Rommel Sales

Check Also

Jon Lucas Jan Enriquez

Management ni John Lucas pinababaklas pag-endoso kay Abalos

I-FLEXni Jun Nardo UMALMA ang team sa likod ng career ng Kapuso actor na si Jon …

Chavit Singson e-jeep

Chavit Singson pinasinayaan pagbubukas ng e-Jeepney factory sa ‘Pinas

PINANGUNAHAN ni dating Gov. Luis “Chavit” Singson ang pagpapasinaya sa matagal na niyang pangarap, ang …

Dead body, feet

Bangkay ng kelot nadiskubre habang nagsosoga ng baka

NADISKUBRE ng isang pastol ng baka ang bangkay ng isang lalaki na kanyang natagpuan bandang …

Arrest Shabu

Sa Bulacan  
3 adik na tulak arestado, drug den binuwag

NAARESTO ang tatlong tulak sa isang drug den  kabilang ang operator na nagresulta sa pagkakakompiska …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bulacan at Angeles City
DALAWANG MWP NAARESTO SA MAGKAHIWALAY PNP OPS

BILANG bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa mga pinaghahanap ng batas, dalawang most wanted …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *