Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angelo Carreon, pursigido sa kanyang showbiz career

00 Alam mo na NonieSI Angelo Carreon ay isang print ad model, product endorser, ramp model, movie actor, artist sa GMA-7 at dating bahagi ng Walang Tulugan with the Master Showman ni German Moreno.

Nakapasok siya sa mundo ng showbiz nang na-discover siya ni Kuya Germs sa GMA Network. Pinag-guest ito sa radio program niya sa DZBB, hanggang ipinasok na rin sa kanyang TV show sa Kapuso Network.

Tinatanaw ni Angelo na malaking tulong at utang na loob niya sa Master Showman kaya siya nagkaroon ng puwang sa mundo showbiz.

“Lubos pa rin po ang pasasalamat ko kay Tatay Germs kahit wala na siya, dahil binigyan niya po ako ng chance na makapasok sa showbiz at naging part ng Walang Tulugan.”

Si Angelo ay lumabas na rin The 700 Club Asia ng GMA-7, Kapuso Mo Jessica Soho, Eat Bulaga (Pinoy Henyo) Celebrity Edition, at iba pa. Ilang beses na rin siyang nag-TV guesting sa CLTV 36, PepTV. Pati na sa radio tulad sa DZBB, DZME, GV 99.1, at sa ibang mga on-line radio programs.

“Abala po ako ngayon sa acting workshop para sa mga nakalinyang indie films, movie at teleserye. Masaya rin po ako dahil nagkita at nagkausap kami ni Direk Maryo J. Delos Reyes para sa mga susunod na project na gagawin ko.

“Hinahasa po ako ng manager ko na si Eman Bas sa tamang pag-awit at pag-arte upang maipakita pa lalo ang aking talent. Lagi niyang ipinaaalala rin sa akin ang pagiging masikap at matiyaga.”

Lubos rin ang pasasalamat ni Angelo sa lahat ng sumusuporta sa kanya tulad ng kanyang parents, manager, sponsors, at supporters.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …