Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ahron Villena at Kakai Bautista, tapos na ang tampuhan

00 Alam mo na NonieNAKAHUNTAHAN namin si Ahron Villena kamakailan at napag-alaman namin na natuldukan na pala ang tampuhan nila ni Kakai Bautista. Ayon sa actor, siya ang nag-initiate ng pag-uusap nila ni Kakai.

“Okay na naman po na kami ngayon. Misunderstanding lang po iyon. I’m happy for her now,” saad ni Ahron.

“Yes po nagkita kami kasama ang manager namin (Freddie Bautista) tapos nag-usap na kami. Sabi ko, para next na pagkikita namin ay hindi na awkward,” dagdag pa niya.

Kinumpirma naman sa amin ni Freddie na nag-usap at nagka-ayos na sina Ahron at Kakai.

So, paano mo ide-describe kayo ngayon ni Kakai, back to normal na?

Sagot ni Ahron, “Back to normal po. Magkaibigan po kami now at maayos, wala nang tampuhan or kung ano man.

“Wala naman po kaming naging relasyon ni Kakai. We are bestfriend po na na-misinterpret lang ng mga tao kasi sweet kami sa isa’t isa. At gusto ko na bumalik ulit iyon, kasi magkikita naman kami sigurado.”

Paano mo siya ide-describe as a friend?

“Ang hirap po i-describe, basta friends po kami. Sweet at caring po talaga si Kakai.

Ano ang comment mo na kahit nagkaroon kayo ng tampuhan noon, sinabi ni Kakai na ipagtatanggol ka pa rin niya sa mga basher?

“Ganoon din naman ako sa kanya eh, wala akong sinabi about sa kanya kasi I’m protecting her din naman. Wala naman kaming dapat sabihin na masama sa isa’t isa,” paglilinaw pa ni Ahron.

Ano ang comment mo sa sinabing parang mystery girl na naging ugat daw ng tampuhan o misunderstanding ninyo ni Kakai?

“Kilala niya po iyon, na-meet niya iyong sinasabi niya na mystery girl na iyon. Kaibigan ko po siya, although madalas kaming lumalabas ngayon. Movie, kain, hang out… Pero hindi naman masama po siguro iyon, kasi magkaibigan naman po kami.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …