Sunday , December 22 2024

QCPD director may palabra de honor

NAKABIBILIB talaga ang  bagong upong district director ng Quezon City Police District (QCPD), Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar.

Bakit?

Dahil hindi siya bolero at sa halip ay may isang salita o  Palabra De Honor.

Sa pag-upo niya nitong nakaraang linggo, isa sa direktiba ni Eleazar sa kanyang 12 station commanders, chief  ng operating units (DAID, CIDU, ANCAR at DSOU) na ang kanilang mga operasyon ay nararapat na laging iparating sa mga kaibigan – ang media group.

Nilinaw ng opisyal, hindi para sa media mileage ang habol ng opisyal para sa anomang accomplishment ng QCPD kundi, dahil naniniwala si DD na malakiang naitutulong ng media sa PNP para iparating sa mamamayan ang lahat – hindi lang ang mga nagawa ng QCPD o ng PNP kundi ang mga plano na ang mamamayan ang makikinabang lalo na para sa peace and order ng komunidad.

Ba’t ko nasabing may palabra de honor si Eleazar?

Well, sa isang linggong pagkakakilala pa lang namin (kay Kernel)  – mga mamamahayag na nagkokober sa Quezon City lalo na ang mga miyembro ng QCPD Press Corps, pinanindigan nga ng direktor ang kanyang direktiba.

Ang nakatutuwa, nauunahan pa ni Eleazar ang kanyang station commanders sa pagtawag sa amin para sa isang accomplishment o trabaho. Last week, mismong si DD pa ang tumawag sa inyong lingkod na may nagaganap na barilan sa Barangay Tatalon; at sa E. Rodriguez Avenue, kapwa nasasakupan ng Galas Police Station 11.

Hindi lang niya naunahan ang commander ng Galas Police Station 11 na si Supt. Christian dela Cruz kundi, wala ni isang taga-Station 11 ang nagparating sa QCPD Press Corps na may nagaganap na shootout.

Kaya, nang itawag mismo sa akin ni DD ang dalawang insidente na naganap sa magkahiwalay na araw, agad ko naman ipinarating sa tropa. Responde agad ang grupo.

Iyan si Sr. Supt. Eleazar! Galing mo sir!

Heto pa, kamakalawa ng gabi, hindi lang text ha, kundi tumawag uli si DD sa inyong lingkod. May nagaganap na barilan sa Barangay Baesa – AOR ng Talipapa PS 3. Pero bago ang tawag ni DD, katatawag na rin ni Supt.Victor Pagulayan, hepe ng Talipapa PS 3 at nagsabing may nagaganap silang operasyon sa Baesa. Isang AWOL na police officer na tulak ang sangkot. Patay ang pulis – tulak matapos na manlaban kaysa sumuko.

Congrats Col. Pagulayan maging sa inyong mga tauhan sa Station Anti-Illegal Drugs.

Kaya sa tawag nina Sr. Supt. Eleazar at Supt. Pagulayan, mabilis na nakapagresponde ang tropa sa insidente at nadatnan sa crime scene ang lahat.

Hindi lang ‘yan ang patunay, kamakalawa din ng gabi – si DD din mismo ang nag-text hinggil sa buong detalye ng police operation naman ng La Loma PS 1. Napalaban ang taga-PS 1 sa Barangay Balingasa nang arestohin ang number 2 most wanted personalities sa AOR ng PS 1. Uli, dahil sa text ni DD, agad din natunton ng tropa ang pinangyarihan ng krimen.

Pruweba pa ba? Yes, kakaiba ang pamunuan ng QCPD ngayon – agad talaga nila ipinapaalam sa mamamahayag ang kanilang trabaho.

Kahapon, dakong 1:30am –tulog na tulog na ako (okey lang naman), tumawag naman  si Supt. Robert Campo, hepe ng District Special Operation Unit (DSOU). May kasalukuyan silang operasyon kasama ang District Anti-Illegal Drugs sa Barangay UP Campus. Apat na carnaper/pusher ang napatay sa enkuwentro.  Agad kong itinawag ang info sa mga tropang naka-duty na nasa press office. Hayun, nagresponde agad ang tropa kabilang na si Ka Rod Vega ng GMA – DzBB.

Makalipas ang ilanng minuto, itinext agad sa atin ni Supt. Campo ang kompletong detalye ng kanilang trabaho. Salamat po sir.

Sr. Supt. Eleazar, maraming salamat po. Ikaw na sir!

Congrats sa magkakasunod na matagumpay ninyong kampanya laban sa kriminalidad at droga.

Good luck sir, marami pang salot sa Kyusi.

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *