Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Naghihintay na ang Plaza Lawton para maibalik ang kanyang ganda, kalinisan, dangal at kabuluhan sa kasaysayan

KUNG makapagsasalita lang ang Plaza Lawton, sa palagay natin ay isa siya sa mga natutuwa ngayong kumikilos na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Highway Patrol Group (HPG), Land Transportation Office (LTO), at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa mga illegal terminal at kolorum na nag-aanyong UV Express.

Siguro, sasabihin ng Plaza Lawton, “Sa wakas, sa mahabang panahon na ako’y sinalaula ng isang reynang burikak ay maibabalik na ang aking, ganda, kalinisan, dangal at muling maikikintal ang aking kabuluhan sa kasaysayan ng bansa.”

Sa totoo lang, sa buong mundo, malaki ang pagpapahalaga ng bawat mamamayan sa kasaysayan ng mga Kartero at sa gusaling kumakatawan sa kanila.

Bawat kartero ay may mahalagang ginampanan sa kasaysayan ng giyera, pagbangon at pag-unlad ng isang bansa.

Subukan ninyong silipin ang mga gusali ng post office sa iba’t ibang bansa at mararamdaman ninyo kung paano nila pinahahalagahan at iginagalang ang gusaling simbolo ng makasaysayang papel ng mga kartero sa pag-unlad ng isang bansa.

Kaya nga bukod tanging dito sa Filipinas ‘nakaiiyak’ ang hilatsa ng ating Post Office building.

Sa likod ay pinanahanan ng mga street people.

070916 Lawton park MMDA HPG LTO LTFRB

Sa totoo lang, nang minsan nating nakausap ang mga taong naninirahan sa likod ng post office, karamihan sa kanila ay mga natanggal sa trabaho at nang wala nang pang-upa ng bahay ay natulog sa bangketa. (Paging DSWD Secretary Judy Taguiwalo).

Sa harap naman, nandoon ang mga sasakyang illegal na nakaparada gaya ng UV Express, kolorum na vans, provincial buses, kuliglig etc.

Ginawa nang illegal parking, ginawa pang pambansang kubeta!

Sonabagan!!!

Dati kapag gusto ninyong malamigan at medyo madapyohan ng malamg-lamig na hangin, punta lang sa harap ng post office, puwedeng umupo doon at uminom ng kape. Mayroon din malinis na public comfort rooms. Sa halagang P5 donasyon, puwede nang makagamit.

Ngayon, kapag nadaan kayo sa Lawton, masusuka kayo sa bantot at panghi.

Mantakin ninyo, kung gaano karami ang mga sasakyang illegal na naka-park diyan ay higit pa roon ang bilang ng taong ginagawang kasilyas ang buong Lawton. Kahit saan na lang, makikitang dumidyingel ang mga lalaki.

Grabe!

Ganyan na ang kasalaulaang nangyayari sa Lawton. Maging ang barangay na nakasasakop diyan ay maituturing na patay na lukan.

Ngayon nabuyangyang na sa telebisyon ang talamak na illegal parking sa Lawton, ‘yan na kaya ang susunod na lilinisin ng MMDA, HPG, LTO at LTFRB?!

Harinawa!

DE LIMA SUPALPAL KAY PING

070916 de lima lacson NBP drugs

Dakilang epal na talaga itong si Madam Leila.

Ngayon naman ay paiimbestigahan (legislative probe) daw niya ‘yung mga napapatay na drug pushers at iba pang sangkot sa droga.

Kaduda-duda raw kasi.

Buti na lang nagsalita ang dating PNP chief na ngayon ay senador na rin na si Senator Ping Lacson.

Ano nga naman ang paiimbestigahan ni Laylay ‘este’ Leila De Lima kung wala namang nagrereklamo at naghaharap ng ebidensiya na mayroong summary execution na naganap?!

Hindi natin alam kung bakit biglang naging concern si Madam laylay ‘este’ Leila sa predicament ng mga suspected drug personalities.

Mayroon ba siyang kinatatakutang matumbok ng anti-illegal drug campaign ng Duterte Administration at ngayon ay nag-aalala siya sa kapakanan ng mga nagkakalat ng ilegal na droga sa bansa?!

Bigla tuloy natin naalala ‘yung isang bigtime drug lord na ipinaiwan ni Madam Leila sa National Bilibid Prison (NBP) noong siya pa ang Justice Secretary pero ‘yung ibang drug lord ay ipinalipat niya sa National Bureau of Investigation (NBI) detention cell.

Kapag napagmamasdan nga ng inyong lingkod ang mukha ni Madam Leila, inaakala natin na mataba lang ang kanyang pisngi, pero habang tumatagal at habang patuloy na natititigan, napagtatanto natin na talagang kumakapal na pala ang kanyang mukha.

Hindi kaya umuubra ang mga pagpapa-derma ni Madam at ang iba’t ibang hi-tech na pagpapatanggal ng fats sa kanyang face?!

O mabilis lang talagang kumapal?!

Ano ba ‘yun, sa mukha tuloy napunta ang usapan.

Kidding aside, dapat talaga magpaliwanag si Madam Laylay, kung bakit ipinaiwan niya ang isang drug lord sa Bilibid at may selfie-photo pa silang kumakalat sa social media.

Bakit nga ba, Madam Senator?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *