Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

2 pulis ninja ng QCPD-DAID

MARAMI ang mga natuwa at tila naibsan ng tinik sa dibdib lalo na ang mga magulang at kamag-anak ng ilang biktima ng hulidap na dalawang pulis na nagpakilalang kagawad ng Quezon City Police District – District Anti-Illegal Drugs (QCPD-DAID).

Lalo na nang mabalitaan nila, sa 35 pulis na ipinadala ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa sa Mindanao, karamihan ay mula sa QCPD-DAID.

Pero gusto rin nilang matiyak kung sina PO3 Joel Almazan at PO3 Jobert Garcia na kapwa kagawad ng QCPD-DAID ay kasama ba sa mga itinapon at ipinadala sa Mindanao?!

Ayon po sa mga magulang na lumapit sa inyong lingkod, ang anak nila ay na-frame-up ng mga pulis na sina Almazan at Garcia.

Hinihingian ng dalawang pulis na sina Almazan at Garcia ng P3 milyon para pawalan daw siya at wala nang kasong isasampa.

Mantakin ninyo P3 milyones!

Nang hindi sila makapagbigay, aba, grabeng pahirap ang inabot ng kanilang kamaganak.

At tinatakot pa umano na kahit sinong padrino ay hindi makalalabas ang anak nila.

070716 ARMM

Isang gabi umano, dumating si Garcia sa Camp Karingal na lasing na lasing at biglang lumapit sa anak nilang natutulog sa folding bed.

Aba, biglang ginising ang anak nila para kunin ang higaan at saka pinahiga sa baldosa.

Ganyan katindi ‘yang sina Almazan at Garcia.

Kaya kung ‘yang dalawang ‘yan ay maitatapon sa Mindanao, aba, malaking kabawasan sila sa mga salot sa lipunan.

Nabatid din ng mag-asawa na hindi lang ang anak nila ang biktima nina Almazan at Garcia, marami pang iba lalo na kapag alam nilang ‘mayaman’ o makuwarta ang kanilang biktima.

PNP chief, DG Bato Dela Rosa, puwede bang pakiimbestigahan o pakikompirma po ninyo kung ‘yang dalawang (Almazan & Garcia) ‘yan ay naipadala na sa Minadanao?!

Isalang din agad sa lifestyle check ang dalawang pulis na ‘yan!

Kung naipadala na sila sa Mindanao, aba, malaking kabawasan po sila sa mga salot sa lipunan dito sa Metro Manila.

Isunod na pong lahat ang mga adik sa Metro Manila!

Biding-bidingan sa pangkalahatang kolektong sa Maynila tablado kay Kernel Coronel!

BIDING-BIDINGAN SA PANGKALAHATANG
KOLEKTONG SA MAYNILA
TABLADO KAY KERNEL CORONEL!

070816 MPD Coronel

PAGBABAGO…mukhang ngayon lang mangyayari sa bakuran ng Manila Police District (MPD) na mahihinto na ang bulok na kalakaran.

Hindi raw gaya ng mga dating liderato na naupo na may bitbit o binasbasan na sariling trusted na bata-batuta cum BAGMAN pala.

Kapansin-pansin sa MPD sa ilalim ng bagong district director na si S/Supt. JOEL JIGS CORONEL na may malaking pagbabagong mangyayari sa kanilang departamento.

Kung gaya nang nakasanayang sistema na pinag-aagawan kung sino ang tatayong opisyal na bagman sa MPD HQ ay mukhang TABLADO ito kay Kernel Coronel.

Kaya maraming pulis ang natutuwa at tumaas ang moral dahil change is coming na sa kanilang hanay.

May ilang sikat na pulis-bagman kasi ang dumidiskarte ng bagong bidding para sa pangkalahatang kolektong sa Maynila pero nabigo silang lahat!

Kaagad na nagdeklara si MPD DD S/Supt. Jigs Coronel, na walang intelihensiya at kolektong sa kanyang administrasyon.

Hindi raw niya magagawang sirain ang tiwala na ibinigay ni C/PNP Gen. Bato Dela Rosa at Pangulong Duterte sa kanya.

Prayoridad niya na ayusin ang peace & order at sugpuin ang talamak na ilegal na droga sa Maynila.

Well said Kernel Coronel!

Aasahan namin ang mga pagbabagong gagawin n’yo sa MPD.

Paalala lang, ingat-ingat lang sa mga opisyal na nasa tabi mo!

Baka matuklaw ka nila kapag nalingat ka!

OPERASYON NG MMDA, HPG, LTO AT LTFRB
HUWAG MAGING SELECTIVE!

070816 duterte HPG MMDA LTO LTFRB

SUPER aligaga ngayon ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan mula nang maupo ang Pangulong Duterte.

Hindi ko lang matiyak kung seryoso ba sila o nagpapasiklab lang sa ating Pangulo!?

Kaya siguro panay ang hataw ng Highway Patrol Group (HPG), Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa kanilang mga operasyon.

Huli rito, huli roon ng mga kolorum.

‘Yun nga lang mukhang hirap na hirap silang makarating sa Maynila lalo roon sa Lawton (post office) na pinamumugaran ng illegal terminal at mga kolorum.

Pumunta na po kayo sa Maynila, para mapagtanto ninyo kung anong klaseng halimaw ang nagrereyna riyan sa Plaza Lawton na ginawang illegal parking.

Extended po ‘yan hanggang doon sa Arroceros St., malapit sa city hall.

Again, paging MMDA, HPG, LTO & LTFRB!

POLICE SECURITY SA MGA CIVILIAN
AT DAYUHAN, I-RECALL NA!

070216 ronald bato dela rosa pnp

Panahon na rin siguro na i-recall ni DG Bato, ang mga police na escort ng mga civilian at VIP kuno lalo sa mga casino.

Mantakin ninyo taxpayers ang nagpapasahod sa mga pulis na ‘yan pero nagseserbisyo sa mga pribadong tao at dayuhang VIP casino player kuno?!

Ang ipinagtataka pa natin dito, bakit napakaluwag ng PNP sa pagbibigay ng police security?!

Paano kung hoodlum pala ‘yung naghihingi ng police escort?! E ‘di nadamay pa ang buong PNP?!

Paki-check n’yo lang po Sir, kasi talagang kung mag-escort ‘yang mga police escort ‘e daig pa ang lulusob sa giyera, sa dami nila.

Grabe talaga!

Paalala lang po, taxpayers po ang nagpapasuweldo sa mga pulis na ‘yan, pero sa mga Tsekwang sandamakmak ang bodyguard nagseserbisyo?!

Sonabagan!!!

Insulto sa sambayanan ‘yan, Dir. Gen. Bato!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *