Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Trina Legaspi, happy sa success ng kaibigang si Kiray Celis

00 Alam mo na NonieISA si Trina Legaspi sa labis na natuwa sa grabeng response ng manonood sa premiere ng pelikula nilang I Love You To Death ng Regal Entertainment at The IdeaFirst Company na tinatampukan nina Kiray Celis at Enchong Dee.

“Masaya, kasi nagugulat sila e and iyon naman talaga ang objective namin, ang magulat sila, mag-enjoy, tumawa and at the same time ay kiligin. Im happy na na-appreciate nila iyong pinaghirapan naming movie. Sana after this, suportahan nila na i-tweet nila, i-promote nila sa social media, kumbaga ay word of mouth. Importante iyong word of mouth para kumita iyong film,” pahayag ni Trina.

Ang I Love You To Death ay showing na ngayong July 6 at tinatampukan din nina Janice de Belen, Michelle Vito, Betong Sumaya, Devon Seron, Paolo Gumabao, at iba pa. Ito’y mula sa direksiyon ni Miko Livelo.

Sinabi rin ni Trina na pang-pamilya ang pelikula nila. “Horror-comedy ito na may pampakilig, tapos ay sinamahan pa ng Kiray at Enchong. At saka iyong director namin na batang-batang director. Kumbaga, fresh yung mga ideas niya, ang gaganda ng shots. In terms of technicalities pa lang, maganda iyong film.”

Ano ang masasabi niya kina Kiray at Enchong? “Kinikilig ako sa kanila!” Nakatawang saad niya. “Lalo na iyong mga kissing scenes nila, talagang sobrang nakakakilig. At saka ang ganda ng chemistry nila, parang talagang patay na patay si Tonton (Enchong) kay Kiray. Convincing siya.”

Ayon pa sa dating child star na kilala bilang si Hopia, masaya siya sa nangyayari sa career ng kaibigang si Kiray.

“Im very happy and honored na yung kaibigan ko, si Kiray, na-achive niya iyong mga ganito and she has given this opportunity to showcase yung galing niya sa pag-arte.”

On and off camera ay tunay na magkaibigan sila ni Kiray, mula noong mga bata pa sila. “Yes, super-friends. Siguro since Goin Bulilit pa magka-ibigan na kami. Sabihin nating, eleven years na kaming magkaibigan. Kahit hindi kami madalas magkita, minsan, we still keep in touch.”

Anong klaseng kaibigan si Kiray? “Honest siya, hindi plastic, totoong tao, at mapagmahal,” saad pa ni Trina.

Sinabi rin niyang happy siya na sunod-sunod ang pelikula niya ngayon.”Well, I’m very happy, kasi ngayong nakapagtapos na ako ng college, I think mas makakapag-focus na ako sa showbiz. Happy na, even though parang nagsisimula ulit ako, nabibigyan ako ng opportunity for movies.

“Eto ngang recently, yung Pare Mahal Mo Raw Ako, then etong I Love You To Death. Tapos next month naman wil be sa Cinemalaya para sa movie na Kusina. I’ll be the younger version of Ms. Judy Ann Santos.

“Sana magtuloy-tuloy na rin po ito, para mas mai-showcase ko rin ang iba ko pang talents, like singing ang hosting. Sana ay mabigyan din po ako ng opportunities.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …