Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Palasyo kakampi pa rin ng media

SINISIKAP ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Martin Andanar na resolbahin ang sinasabi niyang cultural/communications gap ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa media.

Kung matatandaan, nagkaroon ng statement dati si Pangulong Digong na mas komportable para sa kanya na huwag siyang interbyuhin ng media o magsalita sa harap nila.

Ayon kay Secretary Andanar, paplantsahin niya ang “gap” na ito.

Siyempre Secretary Andanar, it’s your job.

Simula nang pagdesisyonan ng Palasyo na tanging government media ang magko-cover sa Pangulo medyo natahimik nga ang iba’t ibang interpretasyon na nag-anak pa ng iba’t ibang espekulasyon.

Siguro nga, mayroong cultural at communications gap…

Mayroon kasing lengguwahe ang Pangulo na mabagsik ang dating sa mga taga-lungsod (upper & middle class) pero pinapalakpakan ng mga promdi at ng mga kababayan natin na nabubuhay sa ilalim ng guhit ng poverty level.

Kumbaga, hindi pa lubos na nakikilala o hindi pa kabisado ng media sa lungsod ang ‘konteksto’ ng lengguwahe ng Pangulo.

Kaya madalas, nagkakaroon ng misinterpretasyon.

At kung hindi ito nauunawaan ng publiko, diyan papasok ang papel ng PCO.

Mula nang magdeklara nang pananahimik sa media ang Pangulo hanggang nitong inagurasyon, wala tayong narinig na conflict.

Lahat nang narinig natin sa kanya, pinalakpakan ng tao.

Si Pangulong Digong ay hindi nagsasalita sa pagitan ng mga salita sa tinta at papel…

Sabi nga, nagsalita siya mula sa kanyang puso kaya naintindihan siya ng bayan.

At kung ginagawa na ng mga inatasan niya ang kanyang utos, tiyak sasabihin nila, ito na nga ang pagbabago.

Sabi nga, ang salita ay hindi mauunawaan hangga’t hindi natin nakikita na naisasakatuparan.

Samantala, ang media, ang tanging papel ay ihatid sa madla kung ano ang mga nagaganap sa ilalim ng bagong administrasyon.

Hindi nagbabantay ang media para manilip ng pagkakamali, ang media ay naririyan para ibalita kung ano ang mga nangyayari.

Kamakalawa, kaagad na nagpalabas ng statement ang Palasyo sa pamamagitan ni Sec. Martin Andanar na kinokondena ang unang media attack sa isang broadcaster sa Duterte administration.

At tingin namin sa media, si Secretary Martin Andanar ay isang mapagkakatiwalaang source para may maibalita kami sa mamamayan dahil galing siya sa aming hanay.

(Hindi gaya ng pinalitan nya na elitista ang dating?!)

It’s a pleasure working with you, Mr. Secretary!

HINDI LANG DRUG TEST LIFESTYLE CHECK
ISULONG DIN AGAD SA MGA PULIS

070216 ronald bato dela rosa pnp

Nais pagtibayin ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang kompiyansa ng mga mamamayan sa pamahalaan kaya isinusulong niya ngayon na linisin ang imahe ng pulisya.

Una na nga ang inilulunsad niyang random drug test sa PNP headquarters o police station.

Kapag nag-positive sa droga, awtomatikong tanggal sa serbisyo.

Pero mayroon tayong nais imungkahi kay DG Bato. Isabay na rin niya dapat ang lifestyle check.

Sa pamamagitan ng lifestyle check, lubusang mabubuyangyang sa publiko kung sino ang mga pulis na tiwali.

Isang katunayan diyan si PO2 Jolly Aliangan na ang sabi nga ay nakatira sa isang bahay na parang bahay ng heneral.

At mayroong cash na P7 milyones sa loob ng bahay. ‘Yun pala tulak ng recycle na droga.

Ibang klase ‘di ba?

Kaya kung isasailalim sa lifestyle check ang mga pulis, diyan mabibisto kung sino ang mayroong ginagawang katiwalian.

Hindi naman natin sinasabi na ang mga pulis ay dapat na namumuhay nang miserable pero dapat tayong magtaka kung nabubuhay sila nang higit sa inaasahan sa kanila.

Marami pong ganyan, Gen. Bato.

Sa Maynila lang, marami kayong mahuhuli riyan, lalo na ‘yung isang KAPITAN na namumuno ng notoryus na “intelihensiya group.”

Madaling makilala ‘yan Kapitan na ‘yan, magagara ang kotse, may ilang bahay sa Tondo, may negosyo sa Divisoria, at mamahaling relo at alahas ang gamit nilang mag-asawa!

‘Yan ang dapat ma-buena mano sa mga kakalusin ni Gen. Bato.

Suportado ka namin diyan, Gen. Bato!

LTFRB SINUNGALING!

KA JERRY, napanood namin sa TV n ngyayabang ang LTFRB chairman na naayos n raw nila ang mga terminal ng bus at PUJ. Gago ‘ata ‘yan?! E bakit ‘yan illegal terminal sa Lawton hindi niya nalilinis?! +63912788——

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *