Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Nana out, Coronel in

THE real change is coming na talaga.

Out na raw si Gen. Rolando Nana sa Manila Police District at opisyal nang papasok si P/Supt. Joel Napoleon M. Coronel.

Ilang beses na rin naman natin nakadaupang palad si incoming DD, Supt. Coronel at nakitaan natin siya ng bakas ng kaseryosohan sa pagtatrabaho bilang opisyal ng pulis.

Dalawang bagay ang nakita natin sa kanya, disente at disciplinarian.

Kaya makikita natin sa dalawang katangian na ‘yan na siya ay makapamumuno nang maayos at susundin ng kanyang subordinates.

070316 MPD

Siyempre, walang pag-aalinlangan na susundin at ipatutupad ni DD Coronel ang utos ng Pangulo at ni PNP chief, Gen. Bato.

Kaya ‘yung mga paloko-loko sa pulisya mabuti pang magtino na kayo.

Unahin na kaya ninyong linisin ‘yang INTELIHENSIYA GROUP sa MPD headquarters na pinamumunuan ng isang Kupitan at ang illegal terminal sa Plaza Lawton, DD Coronel?!

‘Yang dalawang ‘yan, tiyak parang 50 percent na naresolba ninyo ang kunsumisyon sa Maynila.

By the way, DD Coronel, kahapon pa lang ay pumutok na sa social media ang ginawa ninyong paglilinis sa Divisoria, bukas ‘yan po ang tatalakayin natin.

For the meantime, congratulations DD Coronel and welcome to MPD!

NEW MIAA GM ED MONREAL
NAG-INSPEKSIYON NA AGAD SA NAIA

070316 miaa naia

THE working men.

Mukhang ‘yan ang dapat na titulo ng mga bagong opisyal sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na itinalaga ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Sila kasi ‘yung mga hindi pa man pormal na naitatalaga ay nagsasawa na ng surprise ocular inspection sa mga ahensiyang kanilang katatalagahan.

Kagaya nang ginawa kamakailan ni incoming Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal.

Nagulat ang mga empleyado ng NAIA dahil nag-inspection tour na agad si GM Monreal sa NAIA terminal 3 kasama sina Ma’m Tetet Vidal at iba pang taga-GM’s office.

Nakunan pa mismo ng video ni veteran reporter Mr. Raoul Esperas ang ginawang pag-iikot ni Monreal.

Wala naman tayong narinig na negatibong feedback.

Ayon sa NAIA employees, welcome na welcome sa kanila si GM Ed Monreal dahil alam nila na magtatrabaho ang ‘mama’ hindi gaya ng iba riyan na puro pang-Kamaganak incorporated ang pinagkakaabalahan.

Isa sa immediate concern ng mga empleyado, sana raw ay maibigay na ang long overdue na CNA bonus at iba pang incentives na ipinagdamot sa kanila ng nakaraang administrasyon.

On time na rin sanang maibigay ang kanilang suweldo na sa ilalim ng nagdaaang administrasyon ay ipagpapamisa nilang tunay kapag dumating nang tama sa oras.

Mukhang hindi nauunawan ng nagdaang administrasyon kung ano ang kahalagahan ng a-15 at a-30 sa mga simpleng empleyado ng NAIA.

Gaya nga ng sinasabi ng mga empleyado sa NAIA, “sige lang gawin ninyo ang lahat nang gusto ninyo, alalahanin lang ninyo na limitado ang panahon ninyo dito, at kapag dumating ang oras ninyo, titiyakin namin, wala na kayong babalikan at hindi na kailanman.”

Kunsabagay, mukhang ‘yung nagdaang administrasyon lang naman ang isinusumpa nang todo ng mga empleyado riyan dahil talagang sobrang walang konsiderasyon sa mga empleyado.

At ngayon, full support ang MIAA employees dahil may nakikita na silang bagong umaga sa kanilang bagong GM na si Ed Monreal.

Good luck GM Ed Monreal!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *