Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel Locsin at Liza Soberano, kapwa nais maging Darna

00 Alam mo na NonieKAPWA aminado sina Angel Locsin at Liza Soberano na interesado silang gumanap bilang Darna.

Matatandaang si Angel ay nagkaroon ng problema sa kanyang spine. Although naoperahan na ang aktres sa Singapore, kailangan pa niyang magpagaling nang lubusan.

Ayon sa panayam kay Angel, gusto pa niyang gumanap muli bilang Darna, subalit hindi niya raw ito masasagot sa ngayon.

“Nakaka-flatter siyempre na tumatak sa kanila iyong mga ginawa ko before. Gustong-gusto ko rin naman talagang gawin. But honestly, hindi ko kasi talaga masagot iyan sa ngayon, e. Kasi, nasa process ka ng healing, gusto mong gumaling. Kapag nagsalita ka ng anything, tapos ay hindi matuloy, baka ma-depress ulit ako, hindi ba?

“Kung ano lang ang ibigay ng Diyos sa akin, naniniwala ako na kapag para sa iyo yung proyekto, para sa iyo. Kung hindi man, baka mayroong mas maganda na para sa iyo. Pero, nagpapagaling talaga ako.

“Kasi ako naman naniniwala pa rin ako, na ako si Darna. Kahit sa akin iyong role o hindi, ako pa rin si Darna. Because nakikita ko iyong sarili ko sa kanya at nakaka-relate ako sa kanya.”

Sa parte naman ni Liza, sinabi niyang malaking karangalan kung maibibigay sa kanya ang iconic na role ng Pinay Superhero.

“Oo naman it would be an honor to play Darna but I don’t know if I’m ready just yet. But I want to do action talaga. Wala lang, parang cool lang na parang mga superhero or like zombie or something like that,” saad ng magandang aktres sa isang panayam.

Muling nagsimula ang ilang haka-haka o guessing game sa pagganap ni Liza bilang Darna nang sa isang eksena sa TV series nilang Dolce Amore ay sumigaw siya ng Darna!

“It was just part of the script. It doesn’t mean anything naman talaga. Because there’s speculation before I think, so they were just teasing the audience,” paliwanang pa ni Liza.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …