THE Metro Manila Film Festival (MMFF) has opened its refreshing new season with the goal of celebrating artistic excellence ng mga Filipino at pag-ibayuhin ang pagpapatuloy ng Philippine film industry through cinematic revolution o #reelvolution.
A new MMFF board of directors were introduced to the entertainment media recently. Ipinakilala ang exciting line-up ng activities at bagong selection criteria para sa mga submitting filmmakers. Ang mga kondisyon para sa choice of finalists ay binuo base sa istorya, audience appeal, overall impact (40%), cinematic attributes at technical excellence (40%), global appeal (10%), at Filipino sensibility (10%).
Now, it has a logo design at theme song contest na siyang magse-set ng mood para sa buong MMFF. Ang magwawagi sa logo competition ay pipiliin ng bagong executive committee; ‘di lamang ididisenyo ng artist ang bagong emblem ng festival ngunit lilikhain din niya ang mga key art para sa buong 6-month campaign. Ang theme song naman ang magiging signal banner para sa festival. Ang mga seasoned composers na sina Jimmy Bondoc, Jerrold Tarog, at Robert Rivera ang pipili ng winning piece. Ang mga entry para sa logo at theme song submission ay bukas mula Hulyo 15 hanggang Agosto 15. Iaanunsiyo ang mga magwawagi sa kompetisyon sa ika-15 ng Setyembre.
Maraming pagbabago sa MMFF at hopefully ay ma-achieve nila ang kanilang mission and vision.
UNCUT – Alex Brosas