Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Eddie Boy Villamayor, namayapa na

00 Alam mo na NonieNAMAYAPA na ang bunsong kapatid ni Nora Aunor na si Eddie Boy Villamayor last June 27. Napag-alaman namin ito sa FB post ng pinsan niyang dating teen star na si Ms. Lala Aunor.

Si Eddie Boy ay 56 years old. Siya ay naratay sa FEU Hospital makatapos niyang ma-stroke noong July 2015.

Matatandaang last month lamang ay naglabas ng hinampo ang Superstar sa kanyang mga anak sa hindi raw nila pagdalaw kanilang Tito na matagal nang nakaratay sa ospital.

Ayon sa nasagap naming balita, nakaburol sa Eddie Boy sa Loyola Columbary, sa Commonwealth, Quezon City.

Si Eddie Boy ay naging artista rin noong dekada ’70. Kabilang sa mga nagawa niyang pelikula ang Banaue, Alkitrang Dugo, at Minsa’y Isang Gamo-Gamo na gumanap siya bilang nakababatang kapatid ni Nora.

Base rin sa pagkakantanda namin, ang love life niya ang siyang naging rason para mag-quit sa showbiz. Na-involve kasi siya sa younger sister naman ni Vilma Santos na si Winnie Santos at nang walang nangyari sa kanilang relasyon, labis na nasaktan si Eddie Boy.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …