Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ian Veneracion, maganda ang chemistry kay Jodi Sta. Maria

00 Alam mo na NonieMAGBABALIK ang tambalan nina Ian Veneracion at Jodi Sta. Maria sa pelikulang The Achy Breaky Hearts. Although this time ay hindi lang sa kanila nakatutok ang istorya nito, kundi kasama rin si Richard Yap na isa sa co-star nila sa naturang pelikula na pinamahalaan ni Direk Antoinette Jadaone.

Noong 2015 ay tinutukan at naging mainit ang tandem nina Jodi at Ian bilang sina Amor Powers at Eduardo Buenavista para sa big hit na primetime TV series remake ng Pangako Sa ‘Yo. Sa pelikulang ito naman, pag-aagawan si Chinggay (Jodi) nina Ryan (Ian) at Frank (Richard).

Aminado naman si Ian na madaling mahalin si Jodi. “Siyempre, as an actor kasi, dapat nandoon iyong possibility lagi. I mean, you can’t look at your co-actor with love and not find anything to love about that person. And it just so happens na si Jodi is so easy to love.

“There’s so many lovable things about her. So, it’s not hard for any actor to look at her and find something to fall in love with,” esplika ng tisoy na aktor.

Sinabi rin ni Ian ang character niya sa movie. “Iyong character ko kasi sa movie, hindi ako masyadong well-off. Mayroon akong sariling maliit na business pero iyong ano siya, down-to-earth, very grounded na person.

“Whereas iyong character ni Richard, si Frank, ano siya, very successful na businessman, laging nakapormal. He’s good at public speaking and in terms of financial success, mas successful siya nang hindi hamak.

“Pero ang ano ko kay Chinggay doon, na parang masaya lang kami. We don’t need to be in an expensive restaurant, we can eat in a carinderia or an inexpensive place and she would have fun with me. Kasi nga, we’re so grounded together. Na parang iyon ang feeling ni Ryan, that’s why we clicked.”

Ayon pa kay Ian, maayos talaga ang chemistry nila ni Jodi. “Siguro because we’re so comfortable with each other and yun siguro ang nakikita rin ng ibang tao. That’s why we click, even off camera. Kung ano iyong nakikita ninyong kakulitan namin sa screen, siguro ay times ten kapag walang camera, kapag kami lang dalawa ang nagkukuwentuhan.

“So, nandoon iyong friendship talaga and siguro iyon ang nakikita ng mga tao kaya maganda ang chemistry namin ni Jodi,” nakangiting esplika pa niya.

Ikatlong project na nila itong The Achy Breaky Hearts after ng All You Need Is Pag-Ibig at Pangako Sa ‘Yo, mayroon ba silang hindi pinagkakasunduan ni Jodi?

Sagot ni Ian, “We disagree on a lot of things, pero we respect each others opinion.  Parang kapag iba yung belief ko, iba yung belief niya sa isang bagay, we leave it at that. So, nandoon iyong respect.

“At saka ang haba ng mga diskusyon namin. Minsan about religion, about philosophy, about the difference between… ‘Kayong mga lalaki bakit ganito…?’ Sasabihin niyan, tapos sasabihih ko naman, ‘Kayo namang mga babae, bakit ganito…?’

“Tapos, minsan hindi ba kapag tulog na o patulog na? Na natapos kami ng (trabaho) ng madaling araw na, may pahabol pa iyan na text. Sasabihin niyan na ‘I believe…’ iyong mga ganoon… may pahabol pa iyan, may mga quote pa iyan na pahabol,” nakatawang saad pa ng aktor.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …