Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Media sinisi ni NAIA Boy Sisi

WALA man lang daw nalungkot o nagpakita ng panghihinayang sa NAIA employees nang magpaalam nitong Lunes si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Jose Angel Honrado on Monday sa kanyang huling flag-raising ceremony.

Sabi nga ng mga empleyado, gusto na nilang sumigaw ng yahoo at yehey pero pinipigil lang nila dahil biglang naglabas ng litanya si GM Bodet.

At muntik na rin silang mapabunghalit ng tawa nang biglang sisihin ang media sa mga ‘kamalasan’ na nangyari sa NAIA sa ilalim ng kanyang liderato.

Media raw ang may kasalanan kung bakit nabansagang ‘worst airport’ sa buong mundo ang NAIA.

Nagtataka rin daw si GM Honrado kung bakit ibinabalita ng media ang tumututulong bubong, mga butas, bumabagsak na kisame, brownout at  ang tanim-bala.

Bakit nga ba, GM Honrado?

Bakit nga ba pag-upong-pag-upo ninyo noong 2011 ‘e nabansagan na ang NAIA na world’s worst airport sa isang international travel website?

GM Bodet, bakit hindi mo itanong kung bakit nawala ang bonus ng mga emplyeado at iba nilang incentives mula nang ikaw ang maging GM ng MIAA?

Pakitanong na rin ‘yung nakakuha ng malaking komisyon diyan sa CCTV camera. Kung bakit dumami ang mga business establishments (concessionaire) sa NAIA terminal sa ilalim ng administrasyon mo?!

‘Yan ba ay naitanong ninyo sa iyong sarili GM Bodet?!

Parang bata na naghahanap ng masisisi at maituturo tuwing may nagyayaring kapalpakan sa NAIA.

Ginawa ka bang GM diyan para mansisi nang mansisi?!

Wala ka talagang pagkakaiba sa Boy Sisi ng Malacañan.

Ganyan ba ang mga lider ng daang matuwid?

Hindi imbento ng media ‘yan, GM Bodet, mismong mga nagdaraan sa Airport ang nakapapansin at biktima ng mga kapalpakang ‘yan.

Kaya huwag kang magtaka kung bakit walang gustong manatili ka pa riyan sa NAIA.

Kasi nga Style n’yo bulok!

Maraming Salamat Commissioner Ronaldo Geron!

ILANG araw na lang at nakatakda nang bumaba sa kanyang puwesto si BI-Commissioner Ronaldo A. Geron, Jr.

Sayang at napakaikli ng panahon na kanyang ginugol para sa kagawaran na kanyang iiwan.

Sayang at napakaikli ng pagkakataon para ayusin niya ang isang ahensiya na ilang taon din nagdusa sa pagmamalabis ng nakaraang namuno rito.

Kulang na kulang ang panahon na inilagi ni Commissioner Geron.

Ngunit sa kabila ng maikling panahon ng kanyang paninilbihan sa BI, muli niyang naibalik ang moral at tiwala ng lahat na kanyang pinamumunuan. Tiwala na halos tuluyan nang naghulas dahil sa mga mapang-abusong kamay ng mga naunang nanungkulan.

Sabi nga ng maraming empleyado ng Bureau, kung maaari nga lang, kahit huwag nang mapalitan ang kasalukuyang commissioner sa administrasyon ni Presidente Digong Duterte.

Ganyan ang nabuong respeto at pagmamahal ng mga empleyado ngayon sa kanilang commissioner.

But why are these numerous accolades?

Because rarely you can find someone in the mold of Commissioner Geron na kahit kailan ay hindi nagpakita ng pagmamalabis sa kanyang posisyon pati na ang kanyang mga tauhan sa BI-OCOM.

Para sa kanya, lahat ay pantay-pantay organic or contractual employee man.

Lahat ay welcome sa kanyang opisina. Kahit sinong empleyado, puwedeng lumapit at makipag-usap sa kanya. Gaya nga ng karaniwang kasabihan ng mga Batangueño, “walang masamang tinapay” para sa taong gaya ni Commissioner Geron.

Aminin man o hindi nang nakararami, mas nakalalamang ang magandang alaala na iiwan ng mama kaysa mga naunang commissioner.

Napakapalad ng Bureau para mapagsilbihan ng isa sa trusted men ng administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino.

He is the epitome of a decent public servant. A role model for every government official. And most of all, a good officer and a true gentleman.

Again, maraming salamat Comm. Ronaldo Geron!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …