Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Boobsie Wonderland, sobrang happy sa Conan My Beautician

00 Alam mo na NonieMAY bagong raket ang masipag at magaling na komedyanang si Boobsie Wonderland, isa kasi siya sa casts ng bagong show sa Kapuso Network, ang Conan My Beautician na napapanood every Sunday, 5 pm.

Ano’ng masasabi mo sa inyong bagong show sa GMA-7? “Ang Conan my Beautician ay isang Comedy Serye na punong-puno, siksik, liglig at umaapaw sa katatawan. Ang dami ba naman naming mga komedyante eh.

“Tapos ang mga bida pa namin sina Mark Herras at Maegan Young at mayroon pa kaming Tita Vangie Labalan, plus join force pa ang nag-isang Kakai Bautista at dalawa naming chikiting na sina Clawie at Balang. Andiyan pa ang mga batikang artista na sina Ms. Lotlot de Leon at Kuya Jay Manalo, tapos isang napakagaling na direktor Direk Adolf Alix Jr., ano pa ine-expect nyo?”

Ayon pa kay Boobsie, siguradong kargado sa saya at katatawanan ang TV show nilang ito at may-aral din daw na mapupulot.

“Siyempre naman po may matututunan din na aral, kasi pang-buong pamilya siya. At saka, grabe po talaga ang kaba, saya, at ang expectation nila sa akin para mailabas ko talaga on camera ang angking talento ko sa pagpapatawa, hahahaha!

“Masayang-masaya po ako at napasali po ako sa project… promise po, hindi sila mapapahiya at pagbubutihan ko pa, para makuha po nila uli ako at mailagay naman sa mga drama, action, at ‘yung may mga kissing scene, hahaha!” Pabirong saad pa niya.

Pahabol pa ni Boobsie, “Malaki po talaga ang naitulong sa akin ni Sir Allan K, Mamu Andrew de Real at siyempre walang iba kundi si Kuya Germs. Sila po ang nagbigay ng break at nagbukas ng pinto sa akin. Super thankful din po talaga ako nang sobra sa Sunday Pinasaya family ko kasi hanggang ngayon po dala-dala ko iyon at napaka-bless ko po dahil silang lahat ay mababait sa akin. Ganoon din po ang aking Conan Family, magaan lahat sila katrabaho mula kay Direk Adolf hanggang sa mga crews. Sila lang daw talaga ang nabibigatan sa akin, ang taba ko kasi, e. Hahaha!”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …