Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pakitang tao lamang ang kampanya laban sa kriminalidad ngayon?

NAKATUTUWA na maraming tulak ng droga at sugapa sa ipinagbabawal na gamot ang nasusugpo at maraming kriminal ang nasusupil, pero hindi nakatutuwa na ngayon lamang nagsusumigasig ang mga awtoridad na tuparin ang kanilang sinumpaang tungkulin.

Parang lumalabas kasi na kaya may matinding kampanya laban sa illegal na droga at iba pang uri ng kriminalidad ay dahil paparating na ang nanalong bagong pangulo ng bansa na si Rodrigo Duterte. Kilala si Duterte bilang isang pinunong ehekutibo ng Lungsod ng Davao na mabagsik laban sa droga at kriminalidad.

Mukhang lumalabas na sa loob ng mahabang panahon bago pa ang paparating na administrasyon ay tila walang silbi ang mga awtoridad. Wala silang matinding kampanya laban sa kriminalidad. ‘Ika nga, mukhang lahat ng kilos nila noon, maging ngayon, ay pakitang tao lamang.

Ano sa palagay ninyo?

* * *

Kahit anong lapad ng mga lansangan ay mababalewala kung magkakaroon ng mga harang na pipigil sa daloy ng trapiko. Isang halimbawa ang kahabaan ng Congressional Avenue mula sa Luzon hanggang Epifanio De los Santos Avenue sa Muñoz.

Dangan kasi tuwing gabi ay nababawasan ng isang linya ang lansangang ito dahil ginagawang parking lot ng mga parokyano ng iba’t ibang establisimiento na nakatayo sa kahabaan ng kalye. Kasalanan ito ng mga negosyante na nagtayo ng mga establisimiento pero hindi gumawa ng parking lot para sa kanilang negosyo.

Hindi naman nagbabayad ng buwis si Juan dela Cruz para pagkitaan lamang ng mga gahamang may-ari ng mga establisimiento.

Baog ang awtoridad laban sa mga ganid. Alam ng barangay, ng traffic enforcers, pulis, at lokal na pamahalaan ang problema pero kataka-takang wala silang ginagawa. Bakit kaya? Ano ang padulas ninyo este palagay ninyo?

Pansinin na hindi lamang sa Congressional Avenue ito nangyayari… lahat ng lugar sa Kalakhang Maynila ay ganito ang kalakaran.

* * *

Dapat magkaroon ng batas na magbabawal magtayo ng establisimiento kung walang sapat na lugar bilang paradahan ang magtatayo at dapat ipagbawal din ang pagbili ng sasakyan sa mga walang sariling paradahan. Magagawa ‘yan dahil may tinatawag na police power ang estado.

* * *

Nanawagan ang Metropolitan Manila Development Authority sa mga lokal na pamahalaan ng Kalakhang Maynila na paghandaan daw ang paparating na mga baha bunga ng La Niña phenomenon. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang aking bagong e-news website, www.beyonddeadlines.com

Ang website na ito ay maglalaman ng mga malalalim na talakayan kaugnay sa mga pangyayari sa ating bayan at iba pa na mahalagang impormasyon para sa pang-araw-araw nating buhay. Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin ang website na ito. Pakikalat ang balita tungkol sa www.beyonddeadlines.com Salamat po.

* * *

Kung ibig ninyo na maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sahttps://www.facebook.com/privatehotspringresort? fref=ts para sa karagdagan na impormasyon o reserbasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperate move kina PBBM, ES Recto…pero bokya sa ebidensiya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIRANG personal – usong-usong ito sa away politika. Madalas nangyayari ang …

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …