Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sharon, excited kay Gabby

NAPANSIN lang namin ito. Kung noong una ay talagang sinasabi ni Gabby Concepcion na gusto niyang “mapagbigyan” ang fans nila ni Sharon Cuneta na sila ay muling magkatambal sa isang pelikula, at sinasabi nga ng mga kritiko na kailangan ang tambalan nila para makabawi si Gabby matapos ang 13 taon niyang pagkawala sa showbusiness. Ngayon parang iba na ang ihip ng hangin.

Noon kasi tumatanggi si Sharon na magkasama sila sa pelikula, dahil ang iniisip nga niya, baka kung ano na namang intriga ang mabuksan. May asawa ng iba si Gabby at tahimik na ang buhay. Si Sharon naman ay may asawa na rin, may mga anak na sa kanyang asawa, at sa estado ng kanyang asawa na isang senador, parang wala nga naman sa ayos kung magkakaroon pa ng mga hindi magagandang usapan dahil sa pagtatambal lamang nila ng kanyang dating asawa.

Ngayon, hindi man siya ang personal na nagsasalita, mukhang sa kanyang kampo nanggagaling ang mga balita tungkol sa kanilang pagtatambal. Nakikita ang excitement ni Sharon sa proyekto, samantalang tahimik na tahimik naman at walang reaksiyon ang kampo ni Concepcion.

Pero ano nga kaya ang kalalabasan ng kanilang muling pagtatambal?

Isang experiment iyan. Hindi tayo nakasisiguro kung matapos ang napakahabang panahon ay kagaya pa rin ng dati ang magiging pagtanggap ng publiko sa kanilang love team. Kailangang isipin din natin na iba na ang henerasyon ng mga film goers sa ngayon. Hindi na rin naman magagamit sa kanila ang dati nilang formula sa isang love story, dahil una iba na nga ang sitwasyon nila. Ikalawa may mga edad na sila. Palagay namin iyon naman ang dahilan kung bakit sinasabing sasamahan sila ng isang sikat na love team sa kanilang pelikula.

Noong araw, sinasabi nga nilang basta Sharon-Gabby movie tiyak na patok iyon. Iyon ang kailangan nating mabantayan kung mauulit pa nila ngayon.

( Ed de Leon )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …