Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jose, ayaw gawing hanapbuhay ang panggagaya kay Duterte

HINDI naman daw gusto ni Jose Manalo iyong lagi na lang niyang gagayahin si President elect Digong Duterte. Ginagawa lang naman niya iyon sa kanilang Sunday show at dahil nga siguro sa napag-uusapan, mukhang hindi na tinigilan. Ginawa nang minsan, napansin, mukhang weekly iyon na ang ipinagagawa sa kanya.

Pero maliwanag ang stand ni Jose, ayaw niyang gawing hanapbuhay ang panggagaya kay Digong. Marami pa nga naman siyang magagawa bilang isang komedyante. Nagawa nga niyang magpatihulog sa isang pusali eh, pero marami pa rin siyang magagawa.

Kung iisipin, mas nag-click naman si Jose bilang si Tinidora, na isa sa mga lola ni Yaya Dub. Hanggang ngayon, halos isang taon na iyon, ginagawa pa rin niya ang character. Kaya nga lang sinasabi rin naman ng iba na siguro kailangan na ring baguhin iyon. Mukhang nagsasawa na rin ang mga tao sa araw-araw na ganoon ang nakikita. Maski nga iyong AlDub eh, bumaba na ang popularidad. Kailangan na nga lang nilang mai-maintain iyon hanggang sa mailabas ang kanilang ginawang pelikula, dahil kung hindi mas delikado ang kalalabasan ng kanilang career.

Noong nakaraang festival, hindi naman masasabing naging number one talaga ang pelikulang kanilang nasamahan. Kasi napuna na rin nga na matapos ang ilang buwan, bumaba na ang kanilang popularidad. Siyempre damay din doon ang character na ginagawa ni Jose.

Pero si Jose iyong kahit na anong character puwede eh. Marami nga ang nagsasabi na para siyang ang beteranong komedyante noong si Chiquito, na mukhang ginagaya naman niya, na kahit na anong role ang gawin nagki-click.

Kung kami ang tatanungin, ano pa nga ba ang magagawa ni Jose maliban sa paghawak-hawak sa kanyang tenga kung nagsasalita para gayahin si Duterte? Tama siya na dapat bawasan na iyan bago pagsawaan ng mga tao.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …