Monday , December 23 2024

Private media nganga sa inauguration ni Presidente Digong

BILANG miyembro ng fourth estate, naniniwala kami na mali ang pag-kupot ng papasok na administrasyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa kalayaan sa pamamahayag.

Kahit kailan at kahit saan, kung kasaysayan ang pag-uusapan, ang pagsupil, pagkupot o pagpapaliit sa daluyan ng kalayaan sa pamamahayag ay walang naidudulot na positibong resulta sa mga namumuno at sa buong sambayanan.

Ang kalayaan sa pamamahayag ay daluyan ng komunikasyon para sa magkabilang panig. Sa pamamagitan ng epektibong komunikasyon nagiging mabunga ang resulta para sa kapakanan nang nakararaming mamamayan.

Mukhang masamang buena mano ang nakikita nating limitadong media coverage sa inagurasyon ng ika-16 na Presidente ng Filipinas.

Kung hindi babaguhin ni Pangulong Digong ang restriksiyon sa media, ang kanyang inagurasyon ay tila magbabadya ng nagsisimulang pagwawakas ng kanyang pamumuno.

Bakit po natin nasasabi ito?!

Sana ay hindi malimutan ng papasok na Pangulo na siya ay inihalal ng 16 milyong Filipino sa gitna ng pagnanasa ng mga ‘dilawan’ na makapoder sa makapangyarihang Palasyo ng Malacañan.

Sa ginagawa ng administrasyong Duterte na mala-pagsupil sa kalayaan sa pamamahayag, ‘magaan’ niyang ipinamimigay (as in giveaway) ang kanyang poder sa mga ‘dilawan’ na nag-aanyong pusa sa ilalim ng hapag-kainan na naghihintay malingat ang bantay para sagpangin ang matabang isda.

Kung igigiit ni Pangulong Digong ang patakaran na mag-cover na lang sa PTV 4 ang private media, nanaisin ng inyong lingkod na magkamali tayo sa pagbasa ng sitwasyon.

Dahil nakapanghihinayang ang boto ng 16 milyong Filipino na naniniwalang si Presidente Digong ang magdadala ng pagbabago sa bansa.

Dapat ay patunayan ng administrasyong Duterte na ang pagbabagong hinihintay ng samba-yanan ay magaganap sa demokratiko, sibilisado, at makatarungang pamamaraan.

Anyway, happy inauguration day, Mahal na Pangulo!

Rodriguez PNP cop ayaw matanong ng reporters?

Allergic pala si Rodriguez (Montalban) police chief P/Supt. RESTY DAMASO kapag tinatanong siya ng mga reporter.

Reklamo po ng ating beat reporter na si Edwin Moreno, tinanong niya sa pamamagitan ng text messages (SMS) si Kernel Damaso para kompirmahin ang isang napabalitang salvage victim.

Bigla daw tumawag sa kanya si Kernel Da-maso na kanya namang ikinatuwa dahil mukhang mabilis ang response.

Pero nagulat ang aming Eastern beat reporter dahil pinagmumumura siya ni Kernel Damaso.

Wattafak!?

Ipinagmalaki pa raw na member siya ng SAF kaya huwag siyang ginagano’n.

(Anong ginagano’n ka, Kernel Damaso!?)

At sinundan pa ng, “Anong gusto mo, mag-report ako sa iyo at sumaludo pa?”

Saka sunod-sunod siyang pinagmumumura.

Kernel Maso ‘este’ Damaso, hindi pa namin naririnig ang inyong panig, kaya kahit nagpapan-ting ang aming tainga ‘e maghihinay-hinay muna kami.

Pero hindi talaga maintindihan ng inyong lingkod kung bakit sinabon at binanlawan ninyo ng mura ang beat reporter namin?!

Ano ba ang nagawa niyang masama sa inyo?

Kinokotongan ka ba niya? Inangasan ka ba ni Edwin Moreno at ganoon na lang ang naging trato mo sa kanya?!

Hindi Abu Sayyaf ang beat reporter namin Kernel Damaso para gamitan ninyo nang ganyan kabagsik na reaksiyon.

By the way, ipinagmamalaki pala ninyo na member kayo ng elite group na SAF. Sobrang bilib ni President Digong at incoming PNP chief, Gen. Bato dela Rosa, sa mga gaya ninyo, kaya malamang isa kayo sa ipadadala nila sa Jolo, Sulu o kaya sa National Bilibid Prison (NBP).

Hintay ka lang, Kernel Damaso, your turn is coming…

Kaysa naman sa beat reporter namin ma-ngati ‘yang kamay mo sa pagkalabit ng gatilyo ‘e doon na lang sa mga kidnapper na Abu Sayyaf, ‘di ho ba!?

Just wait for your turn, Kernel!

Gayahin ninyo si Customs Intel Chief Dellosa

Pinabilib tayo ni Customs intelligence chief, Jessie Dellosa nang maghain siya ng resignation para bigyan ng kalayaan ang susunod na administrasyon sa pagpili ng mga bagong opisyal para sa Bureau.

Una nang sinabi ng mga tagapagsalita ni Incoming President Rodrigo “Digong”Duterte na si Col. Nicanor Faeldon ang napiling papalit kay Commisoner Alberto Lina.

At bilang pagpapakita ni retired Lt. Gen. Jesse Dellosa na siya ay tunay na officer and gentleman, hindi na kailangan pang pagsabihan para mag-resign.

Inunahan na niya na nang pagbibitiw.

‘Yung iba kaya, bakit hindi gayahin ang ginawa ni Gen. Dellosa?!

Hoy, ‘naninilaw’ na kayo riyan sa mga kinauupuan ninyo!

Nagsalita na si Presidente Digong: All Noy officials must go…

Klaro!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *