MULA sa PRO.PRO, kuwento at direksiyon ni direk Ronaldo “Roni” M. Bertubin at panulat ni Romualdo Avellanosa, ang Ku’Te ay tiyak na hahaplos sa inyong mga puso. Kasali ito sa World Premieres Festival- Philippines.
“Na inspire ako sa isang kaibigang nagtratrabaho sa production na may kapatid na may DS, ulila at handang gawin ang lahat para itaguyod ang kapatid. Sama- samang kuwento ng mga kaibigan at tao na may kapatid, kakilala, kamag-anak na may DS pero iba-iba ang level ng pang-unawa at pagmamahal nila,” chika ni direk Roni.
“Gusto kong patunayan na ang lahat, kung bigyan lang ng pagkakataon, maaaring maging asset at hindi liability sa lipunan, na ang mga taong may DS ay may kakayahan.’Di man kasing galing ng tunay na artista, pero totoo sa kanilang bawat kilos at galaw. Ang katotohanang ‘yan ay ‘di lang nila makikita kundi mararamdaman pa kay Lenlen, na gagampanan ni Marielle Therese (na tunay na may DS) at ni Johan Santos, ang kuya Emong niya sa pelikula.
“Isang malaking hamon sa akin kung paano ko si Marielle pagagalawin, paano ko ipauunawa ang isang mundong bago sa kanya. hindi siya kaaawaan bagkus isang kasama sa trabaho, walang special treatment, kailangang maintindihan at marinig ko siya kahit di kami nag-uusap,”pahayag ni direk Roni.
Kasama rin sa pelikula sina Maya Samson bilang Meding, Adrian Ramirez bilang Jeff, at Nico Gomez bilang Roldan.
Katuwang ni direk Roni sa advocacy movie na ito ay ang Bounty Fresh (Chooks to Go), Wang Chu King Foundation (Mighty Corporation), Don Benito’s at Rebisco.
Gaganapin ang festival mula June 29 hanggang July 10, 2016. Ang mga aktibidad para sa World Premieres Film Festival- Philippines ay magaganap sa Cinematheque Center Manila sa 855 TM Kalaw St., Ermita, Manila.
Ang official Ku’te official screening schedule ay—July 1 Gala Premiere (6:00 p.m.) SM North EDSA Cinema; July 3 (7:00 p.m.); SM North EDSA Cinema; July 4 (7:00 p.m.) SM North EDSA Cinema; July 7 (5:00 p.m.) SM Megamall Cinema; July 8 (5:00 p.m.) SM Megamall Cinema, at July 10 (7:00 p.m.) SM Megamall Cinema.
UNCUT – Alex Brosas