HINDI na makaaahon sa mababang rating ang morning show ni Marian Rivera.
Lately pala ay alikabok ang kianin nito nang banggain ang NBA Finals recently na naglaban ang Cleveland Cavaliers vs Golden State Warriors.
“Tinutukan ng mga Pinoy ang laban ng Cleveland Cavaliers vs Golden State Warriors Game 1 at nakakuha ito ng 21.8% na TV ratings noong Hunyo 3 laban sa ‘Yan Ang Morning’ na umabot lang sa 6.9%.”
Iyan ang report na nabasa namin sa isang website.
“Mas pinag-usapan din ang labanan Cavaliers vs Warriors sa social media dahil naging hot topic ito worldwide kompara sa ‘Yan Ang Morning’.
“Kahit bago na ang timeslot ng ‘Yan ang Morning’ na napapanood tuwing 9:30am hindi man lang ito makaariba sa ratings sa halip bumaba ang ratings nito.
“May ilang nagsasabi na habang maaga pa dapat ng tapusin ang morning show ni Marian Rivera dahil aksaya lang ito sa koryente.”
Aray ko!!!
UNCUT – Alex Brosas