Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kiray, paborito ng Regal

TUMATANAW ng malaking utang na loob si Kiray Celis sa Regal Entertainment nasiyang sumugal para gawin siyang bida sa pelikula.

“Nagulat ako sa Regal kung bakit sila sumugal ng ganito kalaki sa akin. Kaya sobrang nakaka-proud lang kasi ang laki ng tiwala nila sa akin sa pangalawang pagkakataon,” say ni Kiray na bida uli sa I Love You To Death matapos ang highly successful na Love Is Blind.

“Hindi ako magpapakaipokrita. Kumita kasi ang ‘Love is Blind’ nang hindi nila inaasahan. Sumugal sila ng…alam mo ‘yung feeling na sige i-try natin. Alam ko siyempre try ‘yun, eh, kasi hindi mo naman malalaman kung magiging successful kung hindi mo susubukan. At noong sinubukan nila, ay iba. Nagulat din sila kasi nga ang ganda ng kita namin. Wala kaming masyadong promo,” dagdag pa niyang paliwanag.

Aminado si  Kiray na mas mabigat ang pressure now dahil sila lang ni Enchong Dee ang pinakabida sa I Love You To Death.

“Hanggang ngayon natatakot talaga ako, pero ang pinaghuhugutan ko ‘yung feeling na kapag nakakabasa ako ng maganda tungkol sa ‘Love Is Blind.’ Ang feeling ko ay panonoorin nila ang movie ko na pangalawa kasi nga natutuwa sila. Feeling ko, sa movie na ito ay mas ibinigay ko ang lahat, mas umarte ako,” say pa niya.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …