Monday , December 23 2024

A Walk For Change

ISANG grupo ng mga photographer ang naglunsad ng isang photo contest na may temang A Walk For Change.

Sa kanilang teaser ay nakasulat ang ganito: “Change is coming! Do you want to be a part of it? Join our Independence Day Photo Walk and help us show our countrymen that change is in our hands!”

Ang photo contest ay magsisimula sa Liwasang Bonifacio sa Hunyo 12, 2016, araw ng Linggo dakong 6:00 am at matatapos sa Kilometer 0 (zero) sa Rizal Park dakong 3pm.

Klaro ang tema, A Walk For Change…

Bilib tayo sa inisyatibang ito ng mga photographer sa pangunguna ni Edwin Tuyay.

Isang paraan ito at malaking tulong para maipakita kay Incoming President Rodrigo “Digong” Duterte ang mga kinakailangang pagbabago sa kalunsuran.

Lalo na sa kabiserang siyudad — ang Maynila.

Sa Liwasang Bonifacio na pagsisimulan ng nasabing aktibidad, tiyak na mapipitikan na ng mga photogs ang sumisira sa kagandahan ng lungsod.

Kadugsong lang kasi ng Liwasang Bonifacio ang Plaza Lawton (harapan ng Philpost).

Ang dalawang lugar ay parehong pinaglunsaran ng kagitingan ng ating mga ninunong lumaban sa mga mananakop para ipagtanggol ang ating kalayaan.

Mula nang itindig ang postal office ng Maynila noong 1767 hanggang maging postal district of Spain at maging miyembro ng Universal Postal Union hanggang itayo ang kasalukuyang gusali (1926) sa disenyo ni Juan Arellano (lolo sa tuhod ni Gabby Concepcion), ito ay naging mahalagang bahagi na ng mga makasaysayang pangyayari sa bansa.

Si Arellano ay tinaguriang landmark architect dahil sa kanyang mga iginuhit na disenyo ng Metropolitan Theater (1935), Legislative Building (1926) ngayon ay National Museum of the Philippines, ang Central Student Church (ngayon ay Central United Methodist Church, 1932) ang Negros Occidental Provincial Capitol (1936), Cebu Provincial Capitol (1937), Bank of the Philippine Islands Cebu Main Branch (1940), Misamis Occidental Provincial Capitol Building (1935) at ang Jones Bridge.

Ganyan kahalaga at kamakasaysayan ang Philpost building ganoon din ang kinatatayuan nitong lugar, ang Plaza Lawton at Liwasang Bonifacio.

Kumbaga, sa assembly point pa lang ng A Walk For Change marami nang makabuluhang subject ang masisipat at mapipitikan ng mga lalahok na photographer.

Inaanyayahan natin ang iba pang photographers, amateur o professional na lumahok sa nasabing aktibidad dahil ito ay makatutulong nang malaki para sa isang makabuluhang pagbabago.

Para sa detalye i-click sa facebook ang links:https://www.facebook.com/photo.php?fbid=10153750159933576&set=a.10151313752933576.479849.639033575&type=3&theater

Pero nababoy na ang LB at Lawton…

NOTA BENE: Nabasa mo arkiladong manunulot ang artikulo sa itaas? Ganyan ang kolum. Opinyon man, factual pa rin. Hindi ‘yung haka-haka na lang nga, sinasalsal pa.

Anyway, sa magaganap na A Walk For Change, mahagip sana ng lente ng mga photographer ang kasalaulaang nagaganap sa Plaza Lawton, Liwasang Bonifacio (LB) at Mehan Garden.

Sa mga lugar na ‘yan namumunini ang illegal parking na pinagrereynahan ng isang Burikak.

‘Yan ‘yung illegal parking na kinakaladkad ng isang huklubang matanda ang pangalan ni Erap.

Kailangan daw maging masipag sa koleksiyon dahil mahina ang P.2-M na ipinapasok niya diyan sa isang opisina sa city hall.

Magkamag-anak siguro sina Reyna L. Burikak at Mambabayag ng Mehan Garden. Pareho kasi silang salaula.

Hindi sila mapipitikan ng magagaling na photographer dahil hindi naman sila importanteng subject sa isang prestihiyosong  aktibidad.

Bukod pa riyan, si Reyna L. Burikak, lagi na lang daw nakaupo, o kaya naman nakahiga, hirap nang maglakad, dahil laging paika-ika.

Si Mambabayag naman sa Mehan Garden, mukhang sa gabi lang lumalabas para ‘mangahoy.’ Hukluban na ‘nangangahoy’ pa! Tsk tsk tsk…

Anyway, naniniwala tayo na kapag napitikan ng mga photographer ang kasalaulang ‘yan sa Plaza Lawton at Liwasang Bonifacio, mabilis pa sa alas-kuwatrong ipa-wawalis ng bagong administrasyon ni Pre-sident Digong ang illegal parking na pinag-rereynahan ng usanbg burikak at mambabayag.

Now, the real change is coming…

Anyare sa GSIS insurance policy?

Matatapos na lang ang termino ng Aquino Administration ‘e mayroon pang naiiwang sakit ng ulo sa mamamayan.

Gaya na lang ng isang GSIS policy holder na nagreklamo sa inyong lingkod, aba ilang araw na siyang pabaik-balik sa GSIS pero hanggang ngayon ay hindi  inire-release ang kanyang tseke para sa nag-mature na policy.

Ang kanyang policy ay nag-mature nitong May 25, 2016.

Pinayuhan siya na two weeks before the maturity mag-file na siya ng claims, na ginawa naman niya. Supposedly, sa loob ng tatlong araw ay  ma-release ang kanyang tseke. Pero ilang araw na siyang nagpabalik-balik, wala pa rin siyang nahihita. Anyaree?!

Nagpalit lang ng administrasyon, pinahirapan na ‘yung mga GSIS policy holder?! Aba, PNoy administration, mahiya kayo! Ayusin ninyo ‘yan bago kayo magsilaho sa inyong mga poder ngayon.

Matatapos na lang ang termino ninyo, ‘e NOYNOYING pa rin kayo!

Whattafak!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *