MASYADONG mapanglait naman ang tweet ni Maine Mendoza sa Sexbomb.
Daming nag-react sa kanyang “puro kajologsan ang Sexbomb” with matching “yuck, yuck”, yuck” na aria sa Twitter. Ang daming na-turn off.
Say ng defenders ni Maine, kinalkal pa raw ang tweet na ‘yon kahit six years ago pa ang tweet.
Eh, ano naman ngayon. Ang mahalaga ay napatunayan kung gaano kamaldita si Maine. Biruin mo, nababaduyan pala siya sa Sexbomb at sa show nilang Daisy Siete. Parang nilait niya rin ang masang tumangkilik sa show, ‘no.
Maganda nga at lumabas ang tweet na ‘yon para makita ng mga tao sa social media kung gaano kamaldita si Maine.
Apparently, hindi nakita ni Maine na magiging sikat siya. Hindi niya nakitang ang masang jologs ang magdadala sa kanya sa tagumpay.
So, kapag nakikita siya ngayon sa Juan for All, All for Juan, alam na nating lahat na pinepeke lang niya ang kanyang excitement sa piling na masa.
UNCUT – Alex Brosas