Monday , December 23 2024

Iba talaga ang kredibilidad ng Sen. Ping Lacson

MARAMING sumang-ayon kay Senator Panfilo “Ping” Lacson nang sinusuportahan niya ang kampanya laban sa illegal drugs ni incoming president Rodrigo “Digong” Duterte.

Pero mas lalo siya sinang-ayunan ng publiko nang ipahayag niyang hindi dapat magpadalos-dalos ang Pangulo sa paghuhusga sa tatlong PNP general na sinasabi niyang sangkot sa ilegal na droga.

Dapat nga namang dumaan sa due process ang tatlong heneral ng Philippine National Police (PNP) upang magkaroon din sila ng pagkakataon na maipagtanggol ang kanilang sarili sa akusasyon na sila ay sangkot sa ilegal na droga.

Posible raw kasing kinakaladkad lang ang pangalan ng tatlong heneral ng kung sino mang galit sa kanila, kaya hindi dapat maging padalos-dalos sa paghuhusga ang Pangulo lalo’t pinakikinggan siya ng publiko.

Ayon pa sa Senador na naging PNP chief, sumasang-ayon siya sa giyera o kampanyang ilulunsad ni Digong laban sa ilegal na droga.

Pero dapat umanong maging maingat sa paggamit ng impormasyon dahil hindi ito magiging makatarungan sa ibang kagawad ng PNP.

Gayon din sa mga indibiduwal na pinagbibintangang sangkot sa ilegal na droga.

Pabor ang Senador na gamitin ang natirang campaign funds ng incoming president para labanan ang ilegal na droga.

Pero hindi nga puwedeng ‘tumba’ rito, ‘tumba’ roon.

‘E di para na lang tayong Wild, Wild West…sabi pa ni Sen. Ping.

At diyan tayo lalong bumilib kay Senator Ping Lacson.

Lalo nating napatunayan na hindi tayo nagkamali nang iboto natin siya.

Kung ibang tao ang nagsalita nang ganito tiyak maliligo ng mura kay Mayor Digong.

Pero iba ‘yung Ping Lacson.

Iba ang naipundar niyang kredebilidad. At napakalaking bentaha ‘yan sa kanya.

Maikling magsalita pero punong-punong ng sustansiya.

Sa ganang atin, ang mga kagaya ni Senator Ping Lacson ang dapat na laging kausap ni Mayor Digong. Constructive, hindi destructive. Hindi mapanulsol at hindi impulsive.

Isang taong logical at very objective sa kanyang mga pahayag.

Hindi gaya ng iba na nagpupumilit makapasok sa inner circle ni Digong, parang gusto nang lumipat at doon na yata manirahan sa Davao.

Parang bangaw na hindi mapakali, palakad-lakad, pabalik-balik, balisa na parang nakasinghot ng cocaine.

Tawag nang tawag kung kani-kanino…

At higit sa lahat parang isang latang walang laman, maingay lang!

National ID System dapat nang ipatupad

Kung si incoming president Digong Duterte na nga ang makapagpapatupad ng isang pagbabagong inaasam nang lahat, palagay natin ay ngayon na rin ang tamang panahon para ipatupad ang national ID system.

Sa totoo lang, sa lahat ng Asian countries, tayong mga Pinoy na lang ang sandamakmak na ID ang hinihingi sa bawat transaksiyon.

Hindi rin puwede minsan ang barangay or postal ID, ang kailangan SSS, TIN o kaya ay dri-ver’s license o passport.

‘E paano nga kung jobless?

At ‘yung barangay ID lang ang kayang ipresenta? Wala rin voter’s ID kasi hanggang ngayon hindi pa nagagawa ng Commision on Elections (Comelec).

Ilang eleksiyon na ang nakalilipas, hanggang ngayon wala pa rin voter’s ID!

Para maiwasan na ang mga ganitong problema, panahon na upang mag-isyu ang bagon1g administrasyon ng national ID na kikilalanin sa lahat ng transaksiyon sa gobyerno.

‘E ‘di ‘yung mga ‘underground’ na ayaw ng national ID, huwag silang mag-apply!?

Pero para sa ikapapanatag nang lahat —  dapat na talagang ipatupad ang national ID system.

Palagay natin maging si Joma Sison, sasang-ayon diyan.

Boycott ng media kay Duterte and vice versa next to impossible

Ano ito, martial law?

Next to impossible ‘yan lalo na ngayong napaka-advance na ng teknolohiya.

Ang media at ang presidente ay indispensable partners for progress and development ng isang bansa.

At hindi rin maaaring government media outlet lang ang pagkuhaan ng balita o impormasyon ng mga mamamahayag kung ano na ang nangyayari sa Pangulo, sa Palasyo at sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

It’s equivalent to curtailing of press freedom.

At sa totoo lang, kahit napupuno ang aming inbox ng press releases ng PCOO, hirap na hirap kaming gamitin ang istorya dahil talagang malayo sa bituka at kamalayan ng aming reader.

Ganyan rin siguro ang tingin ng ibang diyaryo kaya madalas hindi nagagamit ang praise ‘este’ press release nila.

Wala talaga kaming maintindihan sa mga press releases nila at kung ano ang kaugnayan sa pang-araw-araw na buhay ng mamamayan.

Ang pagpatol ng Pangulo sa panawagang boycott ng isang international media association na Reporters Without Borders (Reporters Sans Frontieres) ay maituturing na immaturity.

Sa totoo lang, wala namang LOCAL MEDIA na nanawagan ng boycott dahil alam nilang disbentaha ito sa mamamayan at mismong sa pamamahayag sa bansa.

Mas naniniwala ang inyong lingkod na ang dapat nating gawin ay ibalita ang katotohanan dahil ‘yan ang inaasahan ng publiko sa atin, bilang mga mamamahayag.

Kung sino man ang nakapagbulong kay Digong na iboykot ang media ‘yan ay klarong gusto nilang maikanal ang incoming president.

Ang payong gaya niyan ay pabor na pabor sa mga kalaban ni Digong, na hanggang nga-yon ay hindi matanggap na siya ang ibinoto ng mamamayan.

Kaya, ingat-ingat po, Pangulong Digong.

 Ingat-ingat po sa mga bangaw na ‘nanggugulo’ sa inyong mga disposisyon.

Hinaing ng mga residente sa Tondo 1st District

SIR JERRY, mula nang matalo sa 1st district ng Tondo si incumbent Manila Mayor Joseph Estrada ay nagmistulang Smokey Mountain dto dahil sa loob ng isang linggo lng hinahakot ang basura. Sa Barangay 124 Zone 10 Malaya Street, Balut, Tondo, ang mga sanggol na bagong panganak ay nagkakasakit na dahil s baho ng basura na hndi hinahahakot ng IPM Contraktor Garbage ng Manila City Hall. Ubod daw nang laki kc ng nagastos ni Erap sa election pero natalo siya sa 1st District, 2nd District at 3rd District na si  Lim ang nakakuha ng malaking boto. Nakabawi lng si Erap sa 4th District, 5th District at sa 6th District ng Maynila. Muntik nga sila makatabla ng boto. Nanalo rin si Erap sa boto ng mga pulis MPD na ang 2,650 boto ng mga pulis ang nagpanalo kay Erap. +63917298 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *