Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel, nakabuntis at may anak na raw!

KUNG ano-anong bashing na naman sa social media ang aming natatanggap about Daniel Padilla. Ayaw ko na sanang patulan dahil unang-una, busy din ako sa career ko.

Anyway, isang fan na naman ang nagpadala sa amin ng screen grab ng isang babaeng nagsasabing nabuntis siya ni Daniel noong hindi pa ito sikat. Kinakapatid daw siya ni Kathryn Bernardo sa ama. Meaning half-sister niya si Kath.

Ayon sa pagkakasulat, naging kaibigan niya raw si Daniel dahil sa half-sister niyang si Kathryn. Nagkakilala raw sila at noong super close na sila ng binata eh nakapagsabi siya ng saloobin dito.

In return naman daw ay sinabi rin ni Daniel na gusto rin siya kaya naman nangyari ang hindi dapat mangyari.

Pinalalabas niya ngayong inanakan daw siya ni Daniel. Isang babae raw ang naging supling nila at pinangalanan niya itong Lhexine na ang pagkakaalam naming, ito ay anak ng nakatatandang kapatid ni Kathryn noh!

Hindi raw ito totoo ayon pa sa pagkakasulat ng girl. Anak niya raw ito at iniwan niya raw ito kay Tita Min Bernardo dahil wala naman daw siyang ibubuhay sa bata. Alam din daw niyang magiging secure ang anak niya sa piling nina Mommy Min at Kathryn.

Tinanggap naman daw ito ng mga Bernardo.

Ayon pa sa pagkakasulat ng girl na wala namang sinasabing pangalan niya sa ginawang post, natutuwa raw siya ngayon dahil nakikita niyang maayos ang buhay ng kanilang anak ni Daniel na si Lhexine at masaya na rin daw siya dahil sikat na sikat na si Daniel kahit nag-iiyak pa rin ang kanyang buhay lalo na ang kanyang puso.

Well, para sa akin, wala namang imposible sa mundo pero sa pagkakakilala ko sa ating Teen King at sa buong pamilya nito, alam kong wala namang ganyang lihim. Mayroon lang talagang mga taong walang magawa sa kani-kanilang buhay para lang magpapansin.

REALITY BITES – Dominic Rea

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …