Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kasalang Denise at Sol, na-move

HINDI naman siguro mauuwi sa wedding cancellation ang kasal nina Denise Laurel at PBA star-BF-partner nitong si Sol Mercado.

“We simply need more time to prepare,” sey ni Denise sa ibinalita niyang hindi nga ito magaganap this year dahil pareho nilang napagkasunduan ang magkaroon ng ‘wonderful wedding’.

In fact, dalawang weddings nga ang magaganap next year dahil nais nilang pagbigyan ang mga kapamilya nilang members ng parehong Catholic at Christian groups. Saradong Katoliko si Denise habang Christian naman si Sol.

Career-wise ay parehong nagsisikap ang dalawa na mas maging matagumpay. After nga ng stint ni Denise bilang Your Face Sounds Familiar big winner, magiging bahagi siya ng cable channel Lifestyle’s new magazine talk show Modern Girls kasama nina Sam Oh at Gretchen Ho.

On the bother hand, si Sol  ay naghahanda rin para sa susunod na season ng PBA bilang Barangay Ginebra player.

“Until today ay nag-a-adjust pa rin ako dahil siya itong halos may everyday practice,” sey pa ni Denise.

Kaya naman daw madalas din siyang makipag-compare notes at makipag-usap o chikahan sa mga gaya niyang misis na may PBA star-husband gaya nina Bianca Gonzales-Intal, Danica Sotto-Pingris, Cheska Garcia-Kramer at iba pang new-found friends niya sa mundo ng sports.

“That’s why I’m extra excited sa mga kasama ko sa ‘Modern Girls’ like Sam and Gretchen dahil mga sports practitioners and buffs din sila. Roon pa lang, marami na kaming mapag-uusapan,” dagdag pa ni Denise.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …