Saturday , November 23 2024

Sino ang susunod na Customs Chief?

MATUNOG na matunog ang pangalan ni ret. Gen. Nestor Senares na hahalili kay Customs Comm. Bert Lina.

Mabait at may prinsipyo na tubong Lipa, Batangas. Magaling na dating opisyal sa PC-INP at CIDG noong araw.

Kung totoo ang report na ito, Congrats General Senares!

***

Noong nakaraang Linggo napabalita rin na si BOC EG Depcom. Ariel Nepomuceno ay kandidato rin customs commissioner.

Pero ang pakumbabang sagot niya sa mga nagkakalat ng tsismis:

“It’s an honor to be considered among the contenders to become the  BOC chief. How-ever, there are more qualified candidates like the Depcomm of IG as mentioned in the news. Besides, I can go back to the private sector anytime. Or even as Dep Comm, I’ll be happy to continue working for the new administration. But to be clear, I have no knowledge of the ongoing process of selecting the next BOC Chief.”

****

May ilang contender rin sa pagiging BOC Chief gaya nina former customs commissioner Tony Bernardo.

Si dating PCG Commandant Rueben Lista, matunog din na uupo na customs chief.

Si Depcom Agaton Uvero ay bumaliktad na rin kaya aspirant for commissioner din.

****

Kudos NBI Anti-Illegal Drugs Division!

 Puspusan at kayod-Marino ang ginagawa ng NBI-AIDD para masawata ang ilegal na droga  na salot sa ating lipunan.

Todo surveillance ang ginawa ng grupo ni Atty. JOEL TUBERA.

Tatlong buwan nilang binantayan at imino-monitor na kahit magutom sila  hanggang mahuli ang Chinese nationals na armado pa.

Iisa lang ibig sabihin nito. Ito yung tinatawag na leadership by example.

‘Yan kasi ang mahigpit na tagubilin ni NBI Director Atty. Mendez,  pagibayuhin ang anti-drug campaign dahil ‘yan ang gusto ni incoming president Rodrigo Duterte na sampolan ang mga drug lord sa ating bansa.

Talagang seryoso na matapos na ang lumalalang droga sa bansa natin.

Sa  pananaw natin, Pangulong Rodrigo Duterte, sana sa pagreretiro ni Director Mendez sa susunod na taon ay ma-extend pa sya.

Sana’y maipasa na rin ang NBI modernization bill.

***

Dapat imbestigahan ng NBI ang tax credit scam sa RCMG sa customs. Puro raw tabingi ang mga ginagawa nila riyan?

May abogado raw na nagsasabwatan. Marami rin daw ari-arian sina alias MS. D at MS. M.

Dapat mabusisi ng NBI Anti-graft division ang daang milyon ari arian nila.

***

Pagpasok ng Duterte administration, isa sa dapat imbestigahan sa customs si Director NYMPHA LEJOS.

Maraming report na alingasngas niya noong nandiyan siya sa BOC. Lahat umano ng kontrata ay kinuha nya at nangomisyon kaya tinawag siyang “miss percentage?”

Dami daw kinita dahil magaling sa budget?

Pana-panahon lang talaga Miss Lejos!?

***

Grabe ang mga instik na smuggler at ilang empleado ng customs. Nagparetrato lang kay Pres. Digong ‘e malakas na daw sila.

Nakalagay pa sa cellphone nila!

Ang yayabang ninyo at lahat yata sila ay biglang naging taga-Davao na!

***

Sino naman ang alias RABAL at POL na grabeng tumara sa Customs ngayon?

Paimbestigahan ni Comm. Lina kung totoo ang report na ‘yan!

***

Dapat din talaga, imbestigahan ng NBI ang BOC-AMO.

Biro n’yo bawat folder ay 15k pataas ang lagayan daw sa opisinang ‘yan.

Kaya nasisira ang Bureau of Customs dahil ang gagaling ninyo sa corruption. Nakakahiya kayo!

About Jimmy Salgado

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *