Friday , November 22 2024

5 patay sa Close Up Open Concert, party drug nga ba ang dahilan?

UNA, nakikiramay tayo sa malungkot na sinapit ng limang party-goers na namatay sa Close Up Forever Summer Concert sa Mall of Asia (MOA) grounds.

Dalawa sa kanila ay parehong 18-anyos, sina Bianca Fontejon at Ken Migawa. Si Ariel Leal ay 22-anyos, si Lance Garcia, 36-anyos ay co-founder ng Partyphile app, at ang American national na si Eric Anthony Miller, 33 years old.

Lahat sila ay nakitang nakahandusay sa grounds sa magkakaibang lugar. Hindi sila magkakakilala at lalong hindi magkakasama nang pumunta sa nasabing party-concert.

Si Fontejon ay estudyante ng De La Salle Santiago Zobel School. Nag-iisang babae sa limang biktima.

Nagkaroon ng mga espekulasyon na alcohol at droga ang sanhi ng ikinamatay nila. Pero ilan sa mga kakilala natin na nakakikilala sa dalawang biktima, ay nagsasabing malayong masangkot sa paggamit ng illegal drug.

Puwede sigurong nakainom sila at na-dehydrate dahil sa dami ng tao at sobrang init.

Hanggang ngayon ay nag-iimbestiga pa rin ang mga awtoridad kung ano talaga ang naging sanhi ng kamatayan ng limang party-goers.

Maging ang mga concessionaire na nagsisilbi ng alak doon ay iniimbestigahan na rin ng pulisya upang matukoy ang sanhi ng kamatayan ng limang biktima.

Sa mga kabataan na mahilig sa party, umiwas kayo sa pag-inom ng mix drinks lalo na kung hindi naman kayo pamilyar sa pag-inom ng mga alak.

May report rin tayong natanggap, may namimigay pa ng libreng drinks sa party-goers.

Sa mga magulang naman na mayroong mga anak na mahilig mag-party pangaralan po ninyo na bawas-bawasan ang pagpa-party at pag-inom-inom lalo na kung minors pa.

Better yet, tigilan muna ang unnecessary parties.

Sa mga awtoridad, sana naman po ay matukoy agad ninyo ang sanhi ng kamatayan ng limang biktima.

Diyan po nakasalalay ang seguridad ng mga susunod pang mga event na gaya niyan.

Wala bang pananagutan ang event organizer sa insidenteng ito? May naka-standby bang medical team at ambulansiya sa ganitong event?

Palagay natin, pagkatapos ng insidenteng ‘yan, maraming magulang ang matutuwa kapag todong ipinatupad ni President-elect, Mayor Digong Duterte ang kanyang 1am curfew hour sa lahat ng inuman,gimik bar, resto bar at KTV bar sa buong bansa.

Umpisahan na ‘yan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *