Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Career ni Sharon, nakahihinayang

MARAMI ang nagsasabi, siguro nga raw dapat nang magkaroon ng isang TV show si Sharon Cuneta na magpapakita ng kanyang talents, hindi iyong judge lamang siya o kaya ay isang coach. Kasi bilang isang judge at bilang isang coach, ang nakikita lamang ay ang kanyang kakayahang kumilala ng talents ng iba, o tumulong para mas ma-improve pa iyon, pero iyon mismong talents niya na siyang gustong mapanood ng fans, iyon ang wala.

Palagay namin dumating na iyong panahong hindi mo na maaasahan ang personality cult kay Sharon. Hindi kagaya noong araw na iyon lamang presence niya, kahit na walang gawin, talagang nagkakagulo na ang mga fan. Noong nagsisimula siya sa GMA Supershow ni Kuya Germs, bihira rin naman siyang mag-perform bilang singer, pero basta nakita na siya ok na iyon sa fans. Pero lumipas na ang panahong iyon eh. Ibang mga artista na nga ang tinitilian kahit na walang talent sa ngayon. Pero iyong mga established performers na kagaya ni Sharon, kailangang mailabas nila ang kanilang galing.

Suwerte pa nga si Sharon. Una, bata pa naman siya. Ikalawa, buo pa rin ang boses niya. Kung dumating ang panahon na matanda na siya at wala na ang boses niya, aba eh napakahirap na sitwasyon niyon. Wala na siyang choice kundi mag-lip synch ng mga luma niyang CD. Kaya nga kung iisipin, habang ganyan pa ang boses ni Sharon, kailangang samantalahin niya ang panahon na pakinabangan ang kanyang mga talent.

Habang naroroon pa siya sa edad na matatanggap pa siya ng publiko bilang isang leading lady, dapat kumilos na siya. Hindi naman kasi habang panahon iyan. Kailan pa siya kikilos, kung hanggang mother roles na lang siya?

Naiintindihan namin. Si Sharon kasi, iyang iyong babaeng “mother first before career”. Uunahin niya ang kanyang pagiging nanay kaysa kanyang personal career. Pero sayang naman. Hindi lahat ng panahon ay may sumusulpot na isang megastar.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …