Monday , November 25 2024

‘Violent’ reactions sa 2 appointee-to-be ni Mayor Digong inalmahan ng netizens at Duterte die hards

NITONG mag nakaraang araw, habang nagbabanggit ng mga pangalan si President-elect Rodrigo “Digong” Duterte na target niyang pumuno sa kanyang Gabinete, nakita natin na tila walang umaangal.

Kumbaga, walang marahas na pagtutol dahil katanggap-tanggap sa kanila ang mga iminumungkahing pangalan para sa isang cabinet position.

Pero nang mabanggit ang mga pangalan nina congressman Mark Villar para sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at ni Atty. Salvador Panelo na haharap daw sa Malacañang press, aba talaga namang sunod-sunod ang ‘mararahas’ na pagtutol.

Pagtutol mula sa netizens at sa Duterte diehards.

Si Rep. Mark Villar sa DPWH?!

Wattafak!?

Hindi ba’t maliwanag na conflict of interests ‘yan?!

Sabihin man na walang posisyon o wala nang pakialam si Mark sa negosyo ng kanyang Daddy, bilang isang real estate developer, klarong-klaro na mayroon pa rin conflict of interest diyan.

Hindi pa nalilimutan ng sambayanan ang isyu ng C-5 at 6 Road, hindi ba’t diyan nasilat ang presidency ng kanyang erpat na si Manny Villar?!

Nasilat ang sipag at taga ‘este’ tiyaga!?

Alam n’yo naman sa real estate, kapag nagkaroon ng kalsada sa isang lugar, tumataas ang value ng mga lupa.

Malamang lahat ng kalsada patungong Camella Homes ‘e biglang gumanda?

Wanna bet?!

‘Yan namang si Atty. Salvador Panelo, hindi raw maayos ang track record at naging abogado pa ng mga Ampatuan sa kaso ng Maguindanao massacre, tapos siya ang pahaharapin sa Malacañang press at magiging tagapagsalita raw ng Pangulo.

Ano kaya ang magiging itsura ng press briefing ni Atty. Panelo sa media?

Hindi kaya parang nasa korte na nag-aargumento ang mga reporter at siya?

Hindi kaya ‘suicide’ agad sa kanyang karera ang tinutungo ng pagtatalaga sa dalawang appointee-to-be na ‘yan ni Mayor Digong?!

Sana naman ay mapag-isipan pa ‘yan ni Mayor Digong bago italaga.

Kung hindi puwedeng tanggihan ni Mayor Digong sina Villar at Panelo, puwede bang sa ibang puwesto na lang?!

‘Yan po ang naghuhumiyaw na unsolicited advice ng netizens at Duterte diehards…

Pero kung puwede lang mas gusto nilang huwag nang i-appoint ang dalawang ‘yan.

Huwag sanang magmukhang ‘lumalayo’ at ‘nagiging lubak-lubak’ ang daan sa Davao patungo sa ipinangakong tunay na pagbabago…

Tsk tsk tsk…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *