NAKATAKDANG dumating sa bansa ang dalawang young Hollywood stars na sina Michael Walker at Michael Gavrizescu. Magkakaroon sila ng two-day concert sa bansa kasama ang L. A. Music awardee na si Ms. Lou Baron at ang Abra Kalokalike winner na si Mark Kaizer.
Si Walker ay isang actor at recording artist, samantalang si Gavrizescu naman ay international TV commercial model, young record producer and lead vocalist ng bandang Burning Red. Darating sila sa September 29 dahil sa September 30 na nakatakda ang simula ng kanilang two-day concert sa Manila at October 1 naman sa Tagaytay.
Ang concert nila ay bilang pasasalamat sa mga Pinoy na tumatangkilik sa kanilang mga awitin. Voluntary ang kanilang pagpapaunlak na mag-concert dito at hindi sila kukuha ng bayad. Ang kikitain sa show ay ibibigay sa mga batang mahihirap.
Ang Abra Kalokalike winner na si Mark ay nabigyan din ng break ni Ms. Lou sa recording sa new single niyang entitled For Once in My Life na mayroong rap doon si Mark.
Guests din dito ang Kittens at iba pa, mula sa direksiyon ni Charlie Lozo.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio