Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Goma, wagi bilang mayor ng Ormoc

ILANG oras pa lamang natatapos ang eleksiyon, lumabas na ang balita na naiproklama na ng city canvassers sa Ormoc na nanalong mayor ang actor na si Richard Gomez. Biglang naglabasan sa social media pati na ang official proclamation document, at ang mga picture na itinataas na ng mga kinatawan ng COMELEC ang kamay ng mayor elect.

Pagkatapos niyon, sunod-sunod naman ang labas ng mga objection sa social media. Hindi lamang daw dapat iproklamang mayor ng Ormoc si Goma. Dapat din daw iproklama si Goma bilang pinakapoging mayor sa Pilipinas. Agree po kami riyan.

Wala naman kasing mayor ngayon na masasabi mong mas pogi kaysa kay Goma, mayroon pa ba? Ang malungkot lang, bilang executive ng kanyang bayan, tiyak na mababawasan ang panahon ni Goma sa showbusiness. Sa panahong ito na kulang na kulang pa naman ng leading man sa mga pelikula at telebisyon, malaking kawalan iyang bawas na ang panahon ni Goma.

Kung natatandaan ninyo, leading man sa mga high rating series nitong mga nakaraang araw. Best actor pa siya sa Portugal. Bihirang-bihira iyong makakita ka ng isang artistang guwapo na, magaling pang umarte. Marami riyan pogi pero walang kaalam-alam sa pag-arte. Puro pa-cute lang ang nalalaman kaya hindi naman tumatagal ang career.

Iyon bang basta napanood mo sisigawan mo ng “shut up”.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …