SA halos higit na anim na dekadang pamamayagpag ng Non-Stock Savings and Loan Associations (NSSLAs), ito’y kinikilala ng Banko Sentral bilang isa sa nagtutulak ng magandang ekonomiya sa bansa bilang self-help vehicle ng mga maliliit na sektor ng lipunan kasama ang mga sundalo, pulis, bombero, guro, empleyado ng publiko at pribadong sektor, tindera at mga minero. Ito’y nakakatulong upang mapunan ang mga pangangailangang pinansyal at ang planong magbukas ng maliliit na negosyong makakatulong sa kanilang pamilya.
Para palakasin ang NSSLA industry at palawakin ang coverage nito para makatulong sa mas nakararaming Filipino, ang CONSLA ay bumuo ng #68 CONSLA Partylist. Ang CONSLA Partylist ay nangangako ng tunay na economic growth lalo na sa mga OFWs sa pamamagitan ng marangal na pagpapahalaga sa katagang “sariling sikap” at “bayanihan”. Sa pamamagitan nito, magkakaroon tayo ng mas responsableng mamamayan na hindi lang umaasa sa gobyerno, ngunit gagawa rin ng sariling pamamaraan upang magkaroon ng progreso sa kanilang pamayanan sa pamamagitan ng mga self-help vehicles na nabanggit.
Naniniwala si Col. Ricardo Nolasco Jr., (ret. PAF), ang first nominee ng CONSLA Partylist, na ang mass media ay hindi lang source ng impormasyon at entertainment, kundi ito ay sumasalamin din sa pag-asa at pangarap ng mga ordinaryong tao.
Ang CONSLA Partylist ay naka-commit na magbibigay ng tulong at suporta sa mass media sa dalawang paraan: Una, magbibigay ito ng “seed money” at sapat na training at kaalaman para makapagpatayo ng sariling savings and loan association at ito ay tatawaging Philippine Mass Media Savings and Loan Association. Ang mga magiging kasapi rito, kasama na ang mga press, reporters, directors, production and technical crew, stuntmen and women at bit players, ay magkakaroon ng mabisang paraan upang matugunan ang kanilang pangangailangan sa pinansiyal at magkakaroon din ng kapital para sa kanilang mga livelihood projects. Pangalawa, magpapasa ng mga batas ang CONSLA Partylist na magbibigay ng proteksiyon sa interes at kapakanan ng mass media.
Ang #68 CONSLA Partylist ay isa sa leading partylist na naghahangad ng puwesto sa darating na eleksiyon sa May 2016.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio