Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Friendship ni Boobay kay Marian, lalong tumibay

NGAYONG umeere na ang morning show ni Marian Rivera, rito na nakapokus ang mundo niya. Kaya pareho sila ni DingDong Dantes na aligaga, excited, at kasa-kasama nila ang magandang si baby Zia.

Pero sa totoo lang mas early riser pa sa kanila ang anak. Maaga nagigising si Yan para ihanda ang breakfast ni Dong at sabay silang umaalis ng bahay.Si baby Zia naman ay walang puknat sa pagdede at naglalarong mag-isa. Alam naman ninyo ang babies, mas gustong maglaro at maagang gumising, kaysa matulog at makipaghagikgikan sa mga angel na nagbabantay sa kanila. Ganyan ang mga bata.  Ganyan kasi ako ng baby pa, maagang gumising, naglalaro, tawa ng tawa, sabi ng ermat ko.

Ganyan nga si Baby Zia, ilang years pa beauty queen na!

Hindi lamang talk ng talk ang host na si Marian, with co-host Boobay, ang loyal ka friendship ni Yan, na may sumpaan sila na walang iwanan. Maganda ang support ng dalawa, balanse, may tawanan.

Sabagay, Masscom graduate si Boobay sa St. Louis University, Baguio City, at may knowledge siya sa hosting. Sa totoo lang, may karanasan na rin siya pagdating sa broadcasting at TV works, nag-PA siya sa isang GMA7 news program, nakapagsulat ng script, napasama sa programang  Extra Challenge na roon siya nadiscover ni Direk Cesar Cosme kaya basta may pagkakataon mabibigyan siya ng chance na mag-work with GMA7 na hanggang ngayon nasa network pa rin siya.

Sa Extra Challenge sila unang nag-bonding ni Marian na akala ni Boobay ay suplada. Pero na-shocked siya dahil napakabait na babae, hindi suplada, hindi plastic, laging nakatawa, hindi maramot at higit sa lahat ang pagiging maka-Diyos at pala-simba ang nagpahanga kay Boobay.

Si Marian ang nagturo sa kanya na magbasa ng Bible, recite the Holy Rosary at maging palasimba. Since then naging matibay ang friendship nila hanggang ngayon.

namin ni Boobay na may boyfriend siya, ilang taon na sila sa kanilang relationship, professional degree holder at super bait daw. Sa ngayon, masayang-masaya si Boobay na si Norman Balbuena, dahil si Marian ang parang umiilaw sa landas na tinatahak niya. Tuwang-tuwa siya kay Baby Zia at hanga siya kay Dingdong sa pagdadala ng pamilya.

NO PROBLEM DAW – Letty Celi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Letty Celi

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …